Multo ng lumipas
Dear Dr. Love,
Kumusta ka? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan sa pagtunghay mo ng aking sulat. Tawagin mo na lang akong Perto, isang matansero. Sampung taon na akong kasal sa aking asawa, na pitong taon na ang nakalilipas ay nagtaksil sa akin.
Nakita ko sa aking dalawang mata ang kaÂtaksilan ng aking misis sa piling ng kaulaÂyaw niya sa mismong bahay namin. Salamat sa Diyos at ginabayan akong magtimpi. NagÂtatakbong palabas ng aking bahay ang lalaki habang halos madurog ako sa aking nasaksihan. Humingi ng tawad ang misis ko at dahil ako’y isang born again Christian, pinatawad ko siya at binigyan ko siya ng panibagong pagkakataon.
Pero sa kabila ng mahabang panahon, lagi akong hindi matahimik kapag naguguÂnita ko ang nangyaring yaon. Kapag kami’y nagsisiping at naalala ko ang mga tagpong nakita ko ay nawawalan ako ng gana. Gusto ko siyang patawarin nang ganap pero ano ang nadarama kong ito na pahiwatig na hindi ko pa siya talaga napapatawad? Tulungan mo ako sa iyong payo, Dr. Love.
Perto
Dear Perto,
Sa 1 Corinthians 13:5, sinasabi na kung magpatawad ang tunay na pag-ibig ay ganap at hindi nagtatago ng record ng kasalanang nagawa natin. Ganyan din ang kapatawaran ng Diyos sa ating dumudulog sa kanya at nagsisisi nang taimtim. Kung ikaw ay isang bilanggo, kahit nakalaya ka na ay may record ka pa rin na hindi na mabubura. Pero sa Diyos, kapag tayo’y pinatawad ito ay ganap at lubos.
Ganyan din tayo dapat kung magpatawad. Nagsisimula tayo nang panibago na animo’y walang nangyaring kasalanan. Kung lagi mong iisipin ang kapatawarang ibinigay ng Diyos sa iyo sa kabila ng iyong mga pagkakasala, marahil ay matatalos mo na hindi ka na dapat magkimkim ng sama ng loob sa iyong asawa. Mag-move on ka na at ituring mong biyaya ng Diyos ang pagÂbabago ng iyong misis.
Dr. Love
- Latest