^

Dr. Love

Puwede pang umurong

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi and hello to you at sa legions of readers mo. Please call me Conie and I am 22 years old. Five months from now, nakatakda na akong magpakasal sa isang lalaki na hindi ako sigurado kung talagang mahal ko.

Ganito kasi ang nangyari. May boyfriend ako noon na nabalitaan kong may ibang girlfriend. Para pasakitan ko siya ay sinagot ko ang ibang manliligaw ko. Ito nga ang pakakasalan ko nga­ yon. 

Sa totoo lang, wala akong feelings sa lalaking ito at kung umoo man ako sa proposal niyang magpakasal kami, ito’y dahil lamang sa galit sa dating boyfriend ko.

Wala pa namang pormal na paghahanda para sa kasal namin. Puro planning pa lang ang ginagawa namin.  Puwede pa ba akong umurong?

Conie

Dear Conie,

Puwedeng-puwedeng umurong Conie. Mas masama kung magkakatulu­yan kayo at sa katagalan ay lumantad ang katotohanang hindi mo pala siya talaga gusto.

Siyempre, masasaktan siya kapag umurong ka. Pero mas mabuti na ang minsanang sakit kaysa habambuhay na kalbaryo sa pagsasama ninyo bilang mag-asawa.

Sana ay naging leksyon sa iyo ang ginawa mo at huwag na sanang mauulit pa. Madalas, ang padalus-dalos na desisyong hindi pinag-isipan ay nagbubunga lamang ng kapahamakan.

Dr. Love

 

CONIE AND I

DEAR CONIE

DR. LOVE

GANITO

MADALAS

PERO

PURO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with