^

Dr. Love

Isa pang pagkakataon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itinuturing na huwaran ang pagsasama bilang mag-asawa nina mommy at daddy. Dalawa kaming naging bunga ng kanilang pagmama­halan na kapwa babae.

Si daddy, nagtrabaho sa abroad bilang inhenyero; si mommy, naging isang regional director ng ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa edukasyon.

Kapwa nasa kolehiyo na kami ng ate ko nang magkaroon ng problema ang mommy at daddy­ ko. May babaeng nabuntis si daddy. Isang nurse na kasama niyang umuwi. Narinig ko, pinamili siya ng mommy ko. Kami o ang babaeng iyon. Kinabukasan, hindi ko na nagisnan si daddy. Sumama na siya sa babae niya. Sinabi ni mommy sa amin ng ate ko ang desisyon ni daddy.

Lumipas ang limang taon. Kung saan kami iniwan ni daddy, doon niya kami binalikan. Hu­mi­ngi siya ng tawad sa aming tatlo na inabandona niyang pamilya. Inamin niyang nagkamali siya.

Ang kondisyon ni Mommy, makakabalik siya kung puputulin niya ang relasyon sa kabit niya. Nalaman namin na namatay ang bata nang ipa­nganak ito ng babaeng iyon. Pera lang pala ang habol ng babae sa daddy ko. Nang wala na ang malaking kita, umayaw na rin sa kanya si Melissa.

Matagal na ang pangyayaring ito, Dr. Love. Muling nabuhay ang pagmamahalan ng aming­ mga magulang at natapos ang maitim na kabanatang iyon sa aming buhay nang walang nakakaalam sa aming mga kamag-anak.

Binigyang pagkakataon ng mommy ko ang aming ama na makapagsisi at makabangon sa kinarapaan niyang pagkakasala. Tama lang po ba ang ginawang ito ng mommy ko?

Maraming salamat at mabuhay kayo.

Gumagalang,

Nelly

Dear Nelly,

Para sa akin tama ang naging desisyon ng iyong mommy. At isang pambihirang pagmamahal lamang ng kabiyak sa kanyang lifetime partner ang makakagawa ng ganon. Dahil maituturin na isa sa pinakamabigat na sama ng loob sa isang mag-asawa ang pagtaksilan sila o balewalain ang kanilang pagsasama dahil sa third party.

Sa panahon ngayon, bihira lang ang pamilya na nagagawang malampasan ang mapait na bahagi ng pagsasama nang hindi naiiskandalo ang buong angkan.

Saludo ako sa iyong mommy at dalangin ko na nawa’y magtuluy-tuloy na ang kaligayahan sa inyong pamilya. God bless you!

Dr. Love

BINIGYANG

DADDY

DAHIL

DALAWA

DEAR NELLY

DR. LOVE

GUMAGALANG

MOMMY

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with