^

Dr. Love

Dapat na bang magtapat?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko po malaman kung paano ko ipagtatapat sa aking anak na lalaki na siya at hindi ang kanyang Ate Mila ang tunay naming anak ng nasira kong mister.

Ang mister ko ang mismong may gusto na huwag namin ipagtapat sa dalawa naming anak na ang isa sa kanila ay ampon.

Hindi raw niya nais na magkaroon ng pag-iinggitan ang dalawang bata sakali’t malaman nila ang katotohanan.

Pero sa lamay ng aking mister ay may nari­nig si Adan na nag-uusap na mga paryentes ng aking ama, hinggil sa pagkakaroon namin ng adopted baby pero wala silang alam kung sino sa kanila ang tunay at kung sino ang adopted.

Pagkatapos ng libing, saka ako masinsinang kinausap ng bunso kong anak at pilit na inaalam kung may katotohanan ang narinig niya mula sa dalawang kamag-anak ng kanyang ama.

Ayaw kong masira ang pangako ko sa aking­ asawa. Pero ayaw ko ring magwala ang aking anak dahil sa ang suspetsa niya, siya ang ampon.

Ano po ang dapat kong gawin? Palagay ninyo, panahon na ba para talagang ilantad ko na ang katotohanan kina Adan at Mila?

Tulungan mo po ako Dr. Love. Ayaw kong magsinungaling sa dalawa.

Maraming salamat at more power.

Benilda

Dear Benilda,

Sa aking pananaw, mas makabubuting ipagtapat mo na sa dalawa mong anak ang katotohanan.

Sabay mong ipagtapat sa kanila ang buong pangyayari. Ang puno’t dulo ng pag-aampon at sa naging desisyon ninyong huwag agad ipaalam sa kanila ito kundi sa tamang panahon.

Liwanagin mong mabuti sa dalawa na pa­reho mo silang mahal at kahit ampon lang ang panganay, itinuring ninyo siyang sariling dugo.

Pantay ang pagtingin ninyo sa dalawang anak at sana, hindi makahati sa iyong pamilya ang katotohanang ito.

Dr. Love

ADAN

AKING

ANAK

ANO

ATE MILA

AYAW

DEAR BENILDA

DR. LOVE

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with