^

Dr. Love

Biyudo ang lover

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko po ipinaglihim kaninuman na isang biyudo na may dalawang anak ang aking nobyo. Sa kabila ng pangyayaring umabot ako sa edad na 37 na  isang dalaga, ni hindi ako nanghinayang na sa isang biyudo ako babagsak.

Ang ipinagtataka ko lang, mistulang umiiwas naman si Art na ipaalam sa kanyang pamilya ang tungkol sa aming relasyon lalo na sa partido ng kanyang nasirang asawa.

Ikinaiinis ko ito at nang hindi na ako ma­katiis, hayagan ko na siyang inusisa kung may balak ba siyang pakasalan ako o ang plano lang niya ay gawin lang akong isang mistress gayong wala naman siyang sabit para pakasalan niya ako.

Hindi raw niya agad-agad na matutupad ang pangakong kasal dahil ang inaalala niya ay ang epekto ng kanyang pag-aasawa sa dalawa niyang anak.

Hindi pa anya handa ang dalawang bata sa pagkakaroon ng pangalawang ina. Ka­ilangan anya, hinay-hinay niya itong ipagta­tapat sa kanila. Pero hindi na ako bumabata. Kung magpapakasal ako, gusto kong magkaroon ng anak at ako ngayon ay malapit nang magliyebo 4.

Gusto ko na po makipagkalas sa boyfriend kong biyudo. Hindi pa kasi siya handang magkaroon ng panibagong babae sa buhay  niya dahil hindi pa nalilimutan nilang lahat ang yumao niyang kabiyak.

Makatarungan lang po ba ang gagawin kong ito? Maraming salamat at hihintay ko ang inyong payo.

Eva

Dear Eva,

Ikaw mismo ang nakababatid kung mahal mo talaga si Art at kung ang pagmamahal na ito ay may katapat din na pagmamahal. Ang isang nagmamahal ay marunong umunawa at magtiwala.

Maaaring totoo nga na hindi pa handa ang mga anak ni Art na magkaroon ng madrasta. Siguro naman, ang problema ni Art na ito ay puwede mong mapagaan kung ga­gawa ka rin ng sariling pagsisikap na ma­tanggap ng dalawang bata.

Sikapin mo munang makilala ang mga anak ni Art sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa kanila. Kung talagang walang epekto ang suhestiyong ito, patuloy ka pa rin magsikap para mapalapit sa dalawang bata.

Sa pagkawala kasi ng kanilang ina, ang atensiyong nagmumula sa dalawang magulang ang ginagampanan pa ngayon ni Art sa dalawa niyang anak.

Dr. Love

AKO

ANAK

ART

DEAR EVA

DR. LOVE

EVA

IKAW

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with