Natuto na si Nenita
Dear Dr. Love,
Masaklap isipin na sa kabila ng pagtitiis mo para tumulong sa kamag-anak na dumadaing ay pinaglalaruan pala ang iyong pagiÂging maawain, sa sitwasyong puro kasinungaliÂngan lang pala.
Laging sinasabi ni Tiya Rosita na pinabaÂyaan na siya ng kanyang tatlong anak at wala ring pakialam ang kani-kaniyang asawa nito sa kanya. Tuloy naging daingan niya ako at madalas utangan o hingan kapag may pangaÂngailangan umano siya para sa kanyang kalusugan.
Dumating ang pagkakataon na muli niya akong nilapitan at talagang walang-wala ako. Sinabi niya na kailangan niyang magpa-x ray sa pangambang may tubig ang kanyang baga.
Hindi ako nakatiis, Dr. Love na magsaÂwalang-kibo sa kalagayan ni Tiya Rosita kaya sinabi ko ito kay Mameng, asawa ng isa niyang anak. Pero nasurpresa ako sa naging reaksiyon niya nang sabihin ko na may problema sa pulmon ang kanyang biyenan.
Pero mas nagulat ako nang sabihin niyang hindi pwedeng mawalan ng pera ang kanyang biyenan dahil sapat ang sustento na tinatanggap nito mula sa kanyang tatlong anak na lalaki.
Una akong nagdalawang-isip kung sino ang nagsasabi ng totoo, pero nang maulit ang paglapit ni Tiya Rosita at sa pagkakataong ito ay pagpapa-check naman sa mata ang kaÂilangan niya.
Nang usisain ko ang address ng clinic na kinuha niya sa kanyang bulsa, naglaglagan ang listahan ng pantaya sa lotto, bingo at jueteng. May bisyo pala ang matanda.
Dito na ako natuto, Dr. Love. Sana ang mga tulad ni Tiya Rosita ay matauhan, hindi lang sa masamang bisyo kundi lalo na ang manira ng manugang.
Maraming salamat po, Dr. Love.
Gumagalang,
Nenita
Dear Nenita,
Talagang pasakit kung isa sa miyembro ng pamilya ay may bisyo. Dahil tiyak na makakaperwisyo. Sana nga ay hindi na madagdagan ang gaya ng iyong Tiya Rosita dahil kawawa naman ang mga matitinong manugang kung sisiraan lang ng kanyang biyenan.
Dr. Love
- Latest
- Trending