Larawan
Dear Dr. Love,
Marahil sasabihin mong nababaliw ako dahil kahit tatlong taon nang namamatay ang aking asawa ay kinakausap ko pa rin siya at kasalo sa pagkain.
Tawagin mo na lang akong Mauro, 40-anÂyos. Medyo late na akong nag-asawa sa edad na 35 at mahal na mahal ko ang aking misis na si SoniaÂ.
Isang taon pa lang kaming nagsasama nang magkaroon siya ng breast cancer. Stage 3 kaagad nang ma-diagnose ng doktor at dahil kulang kami sa pinansyal, hindi ko kinayang ipagamot siya ng husto.
Hindi kami nagka-anak at nang mamatay siya ay labis ang aking pangungulila. Sa tuwing maghahapunan akong mag-isa sa bahay, naroroon ang larawan niya sa kuwadro na nakapatong sa mesa.
Iniisip kong kasalo ko siya pero sa tuwing maiisip kong niloloko ko ang aking sarili ay napapaiyak na lang ako.
Sabi ng mga kapatid ko at kaibigan, kalimutan ko na ang nakaraan at mag-move on. Mayroon silang babaeng inirereto sa akin na isa ring biyuda pero damdam ko’y hindi ko kayang limutin si Sonia.
Ano ang gagawin ko para makalimot?
Mauro
Dear Mauro,
Ang nangyari sa iyo ay tumigil ang pag-ikot ng iyong mundo sa kamatayan ng asawa mo at ‘di mo na hinayaang umikot muli. Mali.
Hanggang hindi mo sinusubukan, talagang hindi mo siya malilimutan lalo pa’t mahal na mahal mo siya.
Tama ang mga nagpapayo sa iyo na mag-move on ka. Go out at libangin ang iyong sarili and start socializing again.
Hindi malulutas ng pagmumukmok ang iyong problema.
Dr. Love
- Latest