Magulang na biyenan
Dear Dr. Love,
Noong buhay pa po ang aking asawa, may loteng itinoka sa kanilang magkakapatid. Buhay pa rin noon ang biyenan kong lalaki.
Ang nasabing lote ang pinatayuan namin ng bahay kung saan kami nanirahan. Pero nang mawalan ng trabaho si Cesar kalaÂunan ay nag-resign na rin ako dahil hindi sapat ang aming kabuhayan para sa pagtataguyod ng lima naming anak. Umuwi kami sa Bisaya at doon naghanap ng kabuhayan.
Nakapasok ako sa munisipyo habang kahit driver ng government agency ay pinatos na ni Cesar. Ang bahay namin sa Quezon City ay pinaupahan namin. Ang problema ay hindi nakakarating sa amin nang buo ang bayad sa upa dahil nagagamit ng biyenan kong babae.
Lalong tumindi ang problema dito nang lumobo ang pangangailangan namin sa pera para pantustos sa pagkakasakit sa atay ni Cesar. Ipinakiusap ko sa aking biyeÂnan na ipadala niya ng buo para maÂipambili ng gamot ng aking asawa. Nangyari ito, Dr. Love pero sa loob lang ng ilang buwan, ang katwiran niya ay gipit din daw siya sa pera.
Dumating pa sa punto na isinanla ng aking biyenan ang lote. Kaya nang magkaÂgipitan na dahil binawian na ng buhay si Cesar, pinayuhan ako ng isa sa mga kapatid ng aking asawa na ibenta na lang ang lote total nakasanla na, para maipambayad ko sa mga pinagkautangan ko sa hospital bills at ginamit na pampalibing kay Cesar.
Pero sinabi ng biyenan ko na nakapaÂngalan sa kanya ang lote at hindi niya ito ibeÂÂbenta. Ang sama ng loob ko, Dr. Love. SadÂyang magulang talaga ang biyenan kong babae kung kaya’t pati mga kapatid niya ay sawa nang tumulong sa kanya.
Ngayong patay na ang aking asawa, naÂngangahulugan po ba na wala nang karaÂpatan ang mga anak ko sa dapat sana’y maÂmamana ng kanilang ama? Puwede po bang maghabol ako para sa kapakanan ng mga naiwang anak ni Cesar?
Payuhan mo po ako.
Lubos na sumasainyo,
Benilda
Dear Benilda,
Sa pagkakaalam ko kung kanino nakaÂpangalan ang property, siya ang may karaÂpatan. Maaaring sa lote wala kayong mahahabol pero sa bahay, dahil ito ay ipinundar ninyo ni Cesar, maaaring ma-claim n’yo. Dahil usaping legal na ito, sumangguni ka sa isang abogado para sa mas detalyadong imporÂmasyon na makakatulong sa problema mo.
Dr. Love
- Latest