^

Dr. Love

Sisihan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Aubrey, 24-years old at may asawa.

Noong 16-anyos ako ay pangarap kong maging artista. Hindi mo naitatanong maganda ako at mahusay kumanta.

Naging mailap lang sa akin ang magandang break noon. Nagkaroon ako ng boyfriend at tawagin mo na lang siyang Cris.

Mapusok si Cris. Tumututol ako sa gusto niyang mag-sex kami. Pero sa kakulitan niya ay nagpaubaya ako at doon natuldukan ang pa­ngarap ko. Nabuntis ako at ipinakasal kami ng aming mga magulang.

Umiiyak ako noon dahil naglaho ang pa­ngarap ko. Nadagdagan pa ng dalawa ang mga anak namin at naging napakahirap ng buhay.

Madalas kong awayin si Cris dahil kung hindi sa kagagawan niya at kapipilit na mag-sex, natupad ko siguro ang aking pangarap na maging artista at singer. Kapag nakakaramdam kami ng gutom at kakulangan sa pera, siya ang sinisisi ko.

Ngayon ay hiniwalayan niya ako dahil marahil sa naging nagger ako. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang aking problema. Ano maipapayo mo?

Aubrey

Dear Aubrey,

Huwag kang manisi dahil kung hindi mo rin gusto, hindi naman mangyayari ang gusto ni Cris. Sabi nga “it takes two to tango.”

Ayusin mo ang aburido mong isip, magtrabaho ka para kumita at itaguyod ang kinabukasan ng inyong mga supling.

‘Yung pangarap mong mag-artista ay kali mutan mo na at maging praktikal ka lalu’t ikaw ngayon ay single parent.

Dr. Love

AKO

ANO

AUBREY

AYUSIN

DEAR AUBREY

DR. LOVE

HUWAG

KAPAG

MADALAS

MAPUSOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with