^

Dr. Love

Huwag akong tularan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Sasapit na naman ang Pasko kaya ang bati ko sa iyo at sa lahat ng mga masugid mong tagasubaybay ay isang Maligayang Pasko.

Tawagin mo na lang akong Cita, isang single mother ng cute at makulit na 5-taong gulang na batang babae.

Nakakahiya mang sabihin, she is my daughter out of wedlock. Ni hindi ko kilala ang kanyang ama dahil ang bata’y bunga ng aking pagiging “pakawala” noong araw.

Nalulong ako sa droga noon at sa isang drug session ay hindi ko alam kung sino o ilang lalaki ang gumalaw sa akin. Itinakwil ako ng mga magulang ko pero kalaunan ay pinatawag din ako.

Pinagsisisihan ko ito at nagpapasalamat ako sa Diyos na ako’y na-rehabilitate at na­wala ang aking bisyo.

Ngayon ay may boyfriend ako at malapit na kaming ikasal. Salamat  at ako ay kanyang minahal sa kabila ng lahat.

Sana’y maging aral ang aking kasaysayan sa lahat ng mga tagasubaybay mong kabataan at huwag sana akong pamarisan.

Cita

Dear Cita,

Maganda ang iyong kasaysayan dahil naki­­kita natin na naging masama ka man ay naka­pagbago ka at sa awa ng Diyos ay nalampasan mo ang isang matinding krisis sa iyong buhay.

Ano man ang pagkakasala ng tao ay may katapat na kapatawaran sa Diyos basta’t ta­yo’y taimtim na nagsisisi at lumalapit sa kanya.

Binabati kita at nawa’y magsilbing inspiras­yon ang kasaysayan mo sa ibang kabataan na nagkaroon ng ganyang karanasan.

Dr. Love

AKO

ANO

BINABATI

CITA

DEAR CITA

DIYOS

DR. LOVE

ITINAKWIL

MALIGAYANG PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with