^

Dr. Love

Tulay lang pala

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hayaan mong pasalamatan muna kita sa pagbibigay daan mo sa aking sulat.

Kagaya ng milyun-milyon mong tagasubaybay, ako man ay may suliranin sa pag-ibig.

Tawagin mo na lang akong Lisa, 19 anyos. Mayroon akong lihim na minamahal. Tawagin mo na lang siyang Arman.

Naging malapit kami na ikinatuwa ko naman ng husto. Akala ko ay simula na ‘yon ng kanyang panliligaw pero hindi pala.

Ang tunay na nagugustuhan pala niya ay ang aking matalik na kaibigang si Jenny at gusto niya akong maging tulay.

Parang nawasak ang puso ko nang sinabihan ko siya na bakit pa ako gagawing tulay at hindi siya dumiretso ng panliligaw. Nahalata niyang nagalit ako.

Ano ang gagawin ko Dr. Love? Iiwasan ko na ba ang lalaking ito na nagpatibok ng aking puso?

Lisa

Dear Lisa,

Kung ipagpapatuloy mo ang pakikipagkaibigan sa kanya ay magdudulot lamang ito sa iyo ng sakit sa dibdib. Kaya oo, iwasan mo na lang siya.

Ngunit huwag mong masyadong didibdibin ang pangyayari. Hindi mo kasi puwedeng ipilit ang iyong sarili sa kanya.

Isipin mo na lang na hindi ikaw ang nawalan kundi siya. Hindi naman katapusan ng mundo kung hindi ka minahal ng lalaking inibig mo.

Marami pang lalaki riyan at alam kong  may mas mabuting ilalaan sa iyo ang Diyos.

Dr. Love

ANO

ARMAN

DEAR LISA

DIYOS

DR. LOVE

HAYAAN

LISA

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with