^

Dr. Love

Laging basted

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay 20 years old at malapit nang matapos sa kolehiyo. Minsan, gusto kong mawalan na ng tiwala sa sarili dahil tuwing mayroon akong babaeng nililigawan basted ako at kung minsan ang nakukursunadahan ko ay may siyota na.

Tinatanong ko ang sarili kung saan kaya ako kulang. May hitsura naman ako at mahusay akong makisama sa kaibigan.

Malimit, gusto kong mainggit sa ibang kaklase ko na kaliwa’t kanan ang girlfriends. Hindi ko naman gusto ang ganitong istilo. Pero ako, hindi pa ako nakakaranas na magka-girlfriend. 

Abnormal po ba ito? Ano po ba ang dapat kong gawin para hindi ako ma-basted sa babaeng nakukursunadahan?

Maraming salamat po sa payo ninyo at more power to you.

Gumagalang,

Michael

Dear Michael,

Hindi ka abnormal kung hindi ka pa nagkakaroon ng girlfriend sa edad na 20 years old. Hindi  pa lang natatapat ang panliligaw mo sa babaeng type ka rin at gustong makipagrelasyon sa iyo.

Bata ka pa para magmadali at mawalan ng tiwala sa sarili. Ang tutukan mo muna ay ang iyong pag-aaral at segurado na sa sandaling tapos ka na at mayroong mabuting trabaho, maraming babae ang magkakagusto sa iyo.

Ituloy mo lang ang mabuting pakikipagkaibigan at pakikisama babae man o lalaki.

Darating ang para sa iyo sa tamang panahon at  kung talagang handa ka nang magkapamilya.

Dr. Love   

 

 

vuukle comment

AKO

ANO

BATA

DEAR MICHAEL

DR. LOVE

GUMAGALANG

ITULOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with