^

Dr. Love

Nabuhay ang puso ni lolo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang ikukuha ko po ng payo sa inyo ay walang kinalaman sa problema ko sa puso. Tungkol po ito sa panliligaw ng lolo ko sa isang tulad niyang may edad.

Mahigit 15 taong na nang mamayapa ang aking lola, ngayon po ay 77-anyos ang lolo ko. Si Lola Digna naman po, 70-anyos na aktibo sa aming parokya. Tumandang dalaga po siya dahil sa kanyang propesyon.

Simula po nang makilala ni lolo si Lola Dignay ay umanib na po ito at nakiisa na rin sa mga gawaing pang-relihiyon. Lagi niya ring binibisita si Lola Digna at tila binubuyo silang dalawa ng mga kasamahan na magkatuluyan.

Worried ang mommy ko at dalawa niyang kapatid na babae tungkol dito. Dahil baka pabuyong daw si lolo na mag-asawa uli gayong sakitin na siya at may alta presyon. Pero sa obserbasyon ko po, Dr. Love ang dating malulungkutin kong lolo ay naging masigla po, lalo na kapag ikinukwento niya sa amin ang tungkol kay Lola Digna.

Natatawa naman ang daddy ko at mga tiyuhin ko (asawa ng mga kapatid ni mommy) sa reaksiyon ng kanilang mga asawa. Bakit hindi na lang raw hayaan na magkagustuhan ang dalawang senior citizens. Ang bagay na ito ay nagiging ugat ng hindi pagkakaunawaan ng mommy at daddy ko, Dr. Love.

Para sa akin naman po, kahit 17-anyos pa lang ako. Gusto ko po makita na laging masaya ang lolo ko. Pareho naman po na walang sagabal sa panig nilang dalawa at isa pa sakaling magkatuluyan sila, dahil mas bata pa si Lola Digna, maalagaan pa niya ang lolo ko. Hindi ko po ito masabi sa momy ko dahil baka mapagsabihan din niya akong konsintidor.
Ano po sa palagay ninyo, hindi po ba wala namang masama kung magpakasal si lolo at Lola Digna? Kahit sa huling panahon ng kanilang buhay, bakit hindi sila bigyan ng pagkakataong lumigaya?  Maraming salamat po at sana mapayuhan ninyo ako.

Gumagalang,

Sylvia

Dear Sylvia,

 Wala ngang masama kung magkaibigan at magpakasal ang lolo mo at si lola Digna. Marahil inaalala lang ng mommy mo ang posibilidad na lumala ang kondisyon ng lolo mo sakaling mag-asawa itong muli. Pero kung matutunan nila ang maging positibo, may malaking posibilidad na bumuti ang kondisyon ng kanilang ama, dahil ang masayang pakiramdam ay nagdudulot ng mabuti sa katawan.

DR. LOVE

 

vuukle comment

ANO

DEAR SYLVIA

DR. LOVE

LOLA

LOLA DIGNA

LOLA DIGNAY

LOLO

PERO

SI LOLA DIGNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with