^

Dr. Love

Takot nang umibig

Pilipino Star Ngayon

Dearest Dr. Love,

Hi and Hello. This is my first time to write you at umaasa akong pagbibigyan mong ma­ilat­hala ang aking problema sa buhay.

Tawagin mo na lamang akong Cris, still a bachelor at age 35.  Iisa pa lang ang naging girlfriend ko dahil masyado akong naging abala sa trabaho at sa pagtataguyod ng aking mga kapatid  (3 silang lahat) na pinag-aaral ko.

Malungkot ang problema ko sa pag-ibig. Ma­tapos ang dalawang taong relasyon namin ng girlfriend ko, nakipagtanan siya sa ibang lalaki.

Hindi na ako naghintay ng paliwanag pero ang pangyayaring yaon ay naging dahilan para ako maging woman hater.

Tatlong taon na sapul nang mangyari yaon hanggang sa may makilala akong nagpatibok muli ng puso ko. Pero ayaw ko nang manligaw pa. Natatakot ako na baka sapitin kong muli ang naging mapait kong karanasan.

Tama bang supilin ko ang aking damdamin?

Cris

Dear Cris,

May kasabihan na mas mabuting umibig at mabigo kaysa hindi umibig. Totoo iyan. Ang isang masaklap na karanasan ay hindi dapat maging dahilan para mawala ang tiwala mo sa lahat ng babae.

Dahil lang ba sa maling ginawa ng iyong naunang kasintahan ay titigil na ang mundo mo sa pag-ikot? Huwag kang matakot umibig at pagbigyan mo ang nadarama ng iyong puso.

Dr. Love

DAHIL

DEAR CRIS

DR. LOVE

HI AND HELLO

HUWAG

IISA

MALUNGKOT

NATATAKOT

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with