^

Dr. Love

Pinadama lang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawang taon na po kami ng boyfriend ko pero gusto ko na kumalas sa relasyon namin. Unti-unti ko kasing natutuklasan ang tunay niyang ugali. Makasarili po siya. Gusto niya, siya lang ang masusunod. Hindi niya iniintindi kung makakabuti sa akin ang gusto niya. At kung may hindi kami pagkakaunawaan, laging ako ang hinihintay niyang mag-sorry kahit wala naman akong kasalanan.

Sa pakiwari ko ay pinadama niya lang ako sa ugaling ipinakita niya, lalo na noong nanliligaw palang siya. Mukhang napeke po ako.

Akala ko pa naman noong una ay siya na talaga ang lalaking makakasama ko habang buhay. Dahil naiintindihan niya pati ang kagustuhan kong matulungan ang pamilya ko na makaahon sa hirap. Ipinangako ko po kasi sa mga magulang ko na pagtatapusin ko muna sa pag-aaral ang kapatid ko bago ako lumagay sa tahimik.

Pero inaapura na po ako ni Dindo na pakasal o kundi man ay magsama na raw kami dahil hindi na siya makakapaghintay nang matagal. Pero hindi pa naman po siya handang magpa­milya. Dahil casual pa lang siya sa pinapasukang ahensiya ng gobyerno.

Dahil sa pangungulit niya, Dr. Love naku­litan po ako at napapayag na mag-premarital sex bilang patunay daw po na hindi ko siya lolokohin. Naging demanding din siya na lumabas kami gayong ako naman ang inaasahang gumastos para sa aming pagkain, pamamasyal at pa­no­nood ng sine. Hindi ko na po ma-take dahil parang gusto lang niyang makalibre sa good time at ito po ang pinagmumulan ng aming away.

Gusto ko na pong kalasan si Dindo pero ang ina­alala ko ay nakuha na niya ang vir­ginity ko. Plano ko pong mag-abroad para makalayo sa kanya. Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat, Dr. Love.

Sincerely yours,

Minda

Dear Minda,

Sana natutunan mo na ang lesson sa pagpaubaya ng sarili sa taong hindi ka naman siguradong gugustuhin mo habang buhay. Walang ibang lugi kapag ginawang kolateral ang virgi­nity, kundi ang mga Eva lamang. Mabuti na lang at hindi ka nabuntis. Mukhang makapal din ang apog ng boyfriend mo para gawin kang financer sa tuwing lumalabas kayo. Malinaw na hindi tunay ang hangad niya sa pakikipagrelasyon sa iyo. Kaya ituloy mo ang pag-a-abroad dahil mas makakabuti ito hindi lamang sa pamilya mo kundi lalo na sa iyo.

Dr. Love      

 

AKO

DAHIL

DEAR MINDA

DINDO

DR. LOVE

MUKHANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with