^

Dr. Love

Baog nga ba?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana’y mapaunlakan mo ang sulat kong ito para mabigyan mo ako ng payo.

Ikubli mo ako sa alias na Mr. Right,  37 anyos at may asawa. Late akong nag-asawa kaya ang aming anak (o anak ko nga ba?) ay 3 years old lang.

Nagdududa ako kung ako nga ang ama ng batang itinuturing kong anak dahil natuklasan kong baog ako.

‘Di ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin na isang araw ay magpa-check ako ng aking sperm count. Lumabas sa test na ang aking similya ay mahina at hindi makakabuo ng bata.

Mahal ko ang asawa ko at pati ang bata ay mahal ko pero lagi akong binabagabag ng problema kong ito. Nangangamba naman akong ungkatin ito sa misis ko. Ano ang gagawin ko?

Mr. Right

Dear Mr. Right,

Posibleng nang maanakan mo ang misis mo ay hindi ka baog at sa paglipas ng panahon, baka may nangyaring pagbabago sa katawan mo.

Sa ikatitiwasay ng iyong pag-iisip, magtanong ka sa mga doktor na eksperto and better yet, kung may pera ka, ipa-DNA test mo ang bata.

Dr. Love

AKO

ANO

DR. LOVE

IKUBLI

LUMABAS

MR. RIGHT

NAGDUDUDA

NANGANGAMBA

POSIBLENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with