^

Dr. Love

Sinisisi sa sinapit ng anak

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Kayo na lang po ang naisip kong lapitan tungkol sa problema ko sa aking mga anak. Nanawa na po kasi ang aking mga kapatid dahil ako para sa kanila ang may kasalanan kung bakit hanggang ngayon na may sarili nang responsibilidad ang aking mga anak ay sa akin pa rin umaasa.

Nangunguna sa problema ko ay si John. Sa ikatlong pagkakataon ay na-rehab siya. Doon niya nakilala ang napangasawang nurse. Walang trabaho ang anak ko kaya ang lahat ay inasa niya sa kanyang asawa. Nang magkaanak sila, kasama na ako sa mga pinagkukunan nila ng para sa pangangailangan ng bata. Kaya lagi na po akong kinakapos para sa dalawa ko pang anak na nag-aaral.

Hanggang sa nagsimula na silang magse­losan dahil batugan nga si John. Nahinto rin sa pag-aaral ang dalawa kong anak. Humingi ako ng tulong sa mga kapatid ko para makapagtayo ng internet café na mapagkakakitaan ni John, pero nauwi rin sa wala. Dahil ang kita ay napupunta rin sa kanila. Hindi maipagawa ang nasisirang computer hanggang sa ibenta na lang at tanging 2 units na lang ang natira.

Lalo na kaming naghirap nang sumakabilang buhay na ang aking asawa. Dito na bumalik sa dating bisyo si John, nilayasan na siya ng kanyang mag-ina dahil nananakit siya. Ako rin ang sinisisi ng manugang ko. Hindi ko raw madisiplina ang aking anak.

Ngayon po ay balik ako sa pamamalimos sa aking mga kapatid lalo na kung kailangan ko ng pampagamot ko. Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love paano kaya ang mga anak ko sakaling sumunod na ako sa aking asawa. Paano ko maipapaisip sa kanila na kailangan na nilang tumayo sa sariling paa?

Maraming salamat at more power.

Gumagalang,

Aling Elisa

Dear Aling Elisa,

Lahat ng sobra ay masama. Obligasyon nang magulang na itaguyod ang mga anak pero kasama rin sa responsibilidad natin ay maihanda silang matatag para sa sarili nilang buhay. Kung ganyan na inaako mo lahat nang dapat sana’y sila na ang gumagawa, talagang sasandal ang mga iyan sa’yo hangga’t buhay ka.

Subukan mong magbakasyon muna sa kamag-anak para ma-obliga ang iyong mga anak na gumalaw para sa sarili nila. Kung minsan kailangan natin tikisin ang ating mga anak para matuto sa buhay.

Dr. Love

AKING

AKO

ALING ELISA

ANAK

DAHIL

DEAR ALING ELISA

DITO

DR. LOVE

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with