^

Dr. Love

Anak sa pagkakasala

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Gumugulo po sa isip ko ngayon Dr. Love ang tungkol sa katotohanan sa pagkatao ng aking panganay na anak. Hindi ko po ito naipagtapat sa kanya hanggang sa mamatay na lang siya.

Si Barry ay anak ko po sa unang boyfriend ko. Nagkita kami ni Delfin sa bansang pinag­trabahuhan ko noong ako’y ofw pa at doon natuloy ang naudlot naming pagmamahalan, kahit alam namin na pareho na kaming may asawa. Plano ni Delfin noon na iwanan na ang kani-kaniyang asawa namin sa Pilipinas. May dalawang anak noon si Delfin, ako naman ay wala pang anak kay Pedring dahil ang usapan namin ay pagbalik ko kami magpapamilya, kapag nakaipon na.

Pero nangibabaw ang pagiging ama ni Delfin nang mauna siyang bumalik sa Pilipinas, hindi na niya ako binalikan kahit pa alam niyang nagbunga ang aming binuhay na relasyon. Ginusto ko ilihim ang katotohanan sa aking pagbubuntis kaya nag-imbento ako ng kuwento sa aking asawa. Sinabi ko na biktima ako ng rape.

Tinanggap ito ng lahat, lalo na ni Pedring. Binigyan niya ng pangalan ang bata pero lumabas ang pagkakaiba ng turin niya nang magkaanak kami. Kaya lumaking insecure si Barry pero matalino ang aking panganay kaya siya ang nakapagtapos at nagkaroon ng matatag na trabaho. Naging maganda rin ang buhay may asawa niya. Bagay na ipinagngingitngit ng mga kapatid niya. Dahil kabaliktaran ang naging buhay nila. Tinalikuran kasi ang pag-aaral.

Ang saklap lang po, sa edad na 40 ay inatake sa puso si Barry at namatay. Nawalan na po ng pagkakataong maipagtapat sa kanya. Sumakabilang buhay din ang aking asawa na hindi alam ang katotohanan.

Sa palagay ko, nakarma na ako sa ginawa kong paglilihim sa kanila nang tunay na nangyari sa akin sa abroad.  Sa tingin po ninyo, ka­ilangan ko pang ipagtapat sa aking mga anak at pamilya ang buong pangyayari at ang pagkatao ni Barry? Inuusig po ako ng konsiyensiya.

Gumagalang,

Anita

Dear Anita,

Kung katahimikan ng budhi ang mangingi­babaw sa iyo, ipagtapat mo. Pero ihanda mo ang sarili sa posibleng reaksiyon ng iyong mga anak dito. Pag-isipan mo ng mabuti ang bagay na ito.

Kung sa palagay mo ay ikagugulo ito lalo ng samahan ninyong mag-iina, yaman din lamang na pareho nang yumao ang panganay at asawa mo…ibaon mo na rin sa lupa ang lahat.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

AKO

ANAK

DEAR ANITA

DELFIN

DR. LOVE

PEDRING

PERO

PILIPINAS

SI BARRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with