^

Dr. Love

Tomboy si Karen

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Isa akong ina na walang hangad kundi pawang magandang bukas para sa aking tatlong anak. Kaya sa ngayon, tampong-tampo ako sa bunso kong babae na si Karen dahil sa wakas inamin niya sa akin na miyembro siya ng third sex.

Pilit ko sanang inuunawa na anuman ang gawin ko, kung ang feeling niya siya ay isang lalaki, lalabas talaga ang totoo. Ginawa ko na po ang lahat para ganyakin siyang magpakababae. Pero ang hindi ko sukat akalain, lalampas siya sa parametro ng kung ano ang nararapat para sa kanya. 

Nagpakasal si Karen sa kanyang matagal nang kasamang kaibigan sa bahay niya at isa siyang babae. Nagawa ito ng anak ko dahil wala siya dito sa bansa dahil naninirahan kami sa US. Doon ko isinilang, nag-aral at pinalaki ang tatlo naming mga anak ni Armand.

Sinisisi ko ngayon ang sarili at ang aking asawa sa nangyaring ito dahil kung nakinig sana ako sa aking mga magulang, na umuwi na sa Pinas at dito palakihin ang mga anak hindi sana nangyari ang kinatatakutan ko.

Ang sabi ng aking asawa, wala kaming kasalanan dahil pinalaki naman namin ang mga anak na may takot sa Diyos at masunuring mga mamamayan. Sa laki ng aking kabiguan, umuwi ako dito sa bansa para dito magpalipas muna ng sama ng loob.

Hindi ko po masabi sa aking pamilya ang ginawang ito ni Karen. Baka sabihin ng aking mga kamag-anak na mayroon akong anak na isang freak. Payuhan mo po ako. Hindi ko maamin na nabigo ako bilang isang mahusay na magulang.

Maraming salamat po at hihintay ko ang inyong payo.

Gumagalang,

Carmella

Dear Carmella,

Huwag mong sisihin ang sarili mo at ang iyong mister sa ginawa ng iyong anak na babae. Ginawa na ninyo ang lahat na makakaya para magbago siya at magpakababae, ang likas na kasariang ipinagkaloob sa kanya ng Maykapal.

Pero wala na kayong magagawa kung talagang mas feel niya na isa siyang lalaki, na piliin makasama ang tulad din niya ang kasarian. Idalangin mo na lang na sa dakong huli, matutuhan pa rin niya ang pagpapakababae at maliliwanagan siya na isa siyang babae. 

DR. LOVE 

vuukle comment

AKING

ANAK

ARMAND

CARMELLA

DEAR CARMELLA

DIYOS

DR. LOVE

GINAWA

GUMAGALANG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with