^

Dr. Love

Sisira ba sa pangako?

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw ang bati ko sa iyo. Tawagin mo na lang akong Joy, 27 anyos at biyuda.

Nang mamatay ang aking asawa, two years ago. Naisumpa kong huwag nang umibig muli. May isa akong anak at pinangako kong sa kanya ko na lang ibubuhos ang lahat ng panahon ko.

Nagtrabaho ako bilang isang saleslady at kasabay nito ay nag-sideline ako sa pagbebenta ng mga produktong pampaganda.

Dito ko nakilala si Paul na nanligaw sa akin. Bagamat attracted ako sa kanya, naiisip ko ang pangakong binitiwan ko sa aking namayapang mister.

Si Paul ay isang negosyante at alam kong binata.

Hindi ko pa siya sinasagot dahil nga sa agam-agam ko. Ano ang maipapayo mo sa akin?

Joy

Dear Joy,

Unang una, walang masama kung mag-aasawa kang muli lalo pang mahal mo naman at makatutulong sa kinabukasan mo at ng iyong anak.

Sa mata ng Diyos at ng tao, walang masama at walang labag sa batas kung mag-aasawa kang muli.

Ngunit kung nakukonsensya ka sa gagawin mo, pag-isipan mo itong mabuti at humingi ka ng gabay sa Panginoong Diyos.

Mahirap din kung papasok ka sa isang situwasyong magbibigay ng ligalig sa iyo habambuhay.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BAGAMAT

DEAR JOY

DITO

DIYOS

DR. LOVE

ISANG

MAHIRAP

NAGTRABAHO

PANGINOONG DIYOS

SI PAUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with