^

Dr. Love

Biktima ng holdup

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Greetings in the name of our Lord.

Isa po akong bilanggo at kasalukuyang nagsisilbi ng gawad na hatol ng korte sa kasong pagpatay.

Isa po akong dating negosyante, pauwi na ako sa aming lugar sa Romblon nang tutukan ng isang lalaking armado ng balisong. Pumalag po ako sa hold up at nadaig ang balisong nang mabilis kong mailabas ang aking baril at paputukan ang lalaki. Napatay ko po siya, kaya isinuko ko ang sarili sa pulisya.

Sa kabila ng aking depensang ipinagtanggol ko lang ang sarili, natalo ako sa kaso at na­ha­­tulang mabilanggo. Nalalapit na rin ang aking­ pag­laya. Nagsosolo po akong anak. Hindi na ako madadalaw ng aking ina dahil na-mild stroke siya. Tanging ang tita ko ang nangangalaga sa kanya. Wala po akong magawa.

Pero sinisikap ko na hindi masayang ang buhay ko dito sa loob, nag-aaral po ako at sa katunayan ay natapos ko na ang tatlong vocational courses at ngayon ay nagtuturo na sa vocational training school dito.

Nais ko pong hilingin na matulungan po ninyo akong magkaroon ng kaibigan sa panulat, na magiging inspirasyon ko para sa nalalapit na paglaya ko. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob, maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Dominguito Maestre

4-C Student Dorm

YRC MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Dominguito,

Tunay na kung minsan ay may mga pagkakataon na hindi natin kontrolado ang sitwasyon. Pero anuman ang mangyari, pinakamabuti na pilitin pa rin natin na maging positibo sa buhay. Bukod sa pagkakaroon ng inspirasyon, hangad ng pitak na ito ang tuluy-tuloy na pagbabago ng iyong buhay. Samahan mo ng dasal ang bawat plano para mas maging matatag ang pundasyon nito. God bless you!

Dr. Love

vuukle comment

BUKOD

C STUDENT DORM

CAMP SAMPAGUITA

DEAR DOMINGUITO

DOMINGUITO MAESTRE

DR. LOVE

ISA

LUBOS

MUNTINLUPA CITY

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with