^

Dr. Love

Annulment

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Nagpadala na ako sa iyo ng una kong sulat nong 2011 pero hindi pinalad na malathala. Umaasa ako na ang sulat ko ngayo’y mabibigyan ng espasyo sa hinahangaan kong column na Dr. Love.

Tawagin mo na lang akong Myrah, 31 anyos at biyuda sa buhay. Ibig sabihin, ang mister ko ay sumakabilang bahay. Noon pang Enero 2011 ako hiniwalayan ng mister ko na basta na lamang naglahong parang bula. Yun pala, nabalitaan kong may kalive-in na iba.

I find that unfair dahil naging tapat ako sa kanya. Nagpapa­salamat ako at wala kaming anak. Ang problema ko lang ngayon ay kung papaano kakawala nang ganap sa kanya. Bata pa ako at entitled din naman na makahanap ng bagong kaligayahan.

Maraming nanliligaw sa akin pero may isa akong napupusuan. Kaso gusto kong maikasal sa kanya. Hiwalay din siya sa asawa pero wala pang annulment na katulad ko.

Paano ang gagawin naming? Balita ko’y mahal ang annulment at kung dalawa pa kaming magpapa-annul, malaking halaga ito.

Please advice me.

Myrah

Dear Myrah,

Kung gusto niyong maging legal ang pagsasama, talagang dapat magpa-annul kayong dalawa dahil pareho kayong kasal sa ibang tao. Sinasabi mong mahal ang annulment at sang-ayon ako. Pero kung nagmamahalan kayong dalawa, alam kong maga­gawan ninyo ng paraan iyan alang-alang sa inyong pag-iibigan.

May mga kasong kagaya ng sa inyo na nagsasama na lang kahit di kasal pero hindi ako pabor diyan dahil labag sa salita ng Diyos. Kumunsulta ka sa abogado para malaman mo ang pasikut-sikot ng annulment.

Dr. Love

AKO

BATA

DEAR MYRAH

DIYOS

DR. LOVE

ENERO

HIWALAY

IBIG

KASO

MYRAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with