Buksan muli ang puso

Dear Dr. Love,

Dalawang beses na po akong nabibigo sa pag-ibig kaya naman isinumpa ko na sarili na hindi na ako iibig ulit.

Tinakbuhan po ako ng nobyo ko nang malaman na buntis ako. Dahil sa stress, matinding pag-aalala, pagpapabaya sa kalusugan, nalagl­ag po ang sanggol na dinadala ko.  Matagal po bago ako naka-recover at mu­ling umibig. Naniwala po ako sa lahat ng mga sinabi niya at pangako pero naging luhaan din po ako sa huli.

Dahil sa simula pa lang ay hindi na siya naging tapat. Magkarelasyon na kami nang malaman kong pamilyado pala siya. Halos mabaliw po ako sa sakit, Dr. Love.

Itinutok ko na lang po ang oras ko sa aking propesyon at inilayo ang aking sarili sa tawag ng pag-ibig. Hanggang makilala ko si Allan. Naging mabuti kaming magkaibigan hanggang magtapat siya ng damdamin.

Alam po ni Allan ang mga pinagdaanan ko, maging ang takot ko na magmahal uli. Binas­ted ko na po siya pero hindi raw siya susuko hanggang aminin ko sa aking sarili ang to­toong damdamin para sa kanya.

Totoo pong may pagtatangi rin ako sa kanya, pero nangingibabaw ang takot. Ang sabi ni Allan­, huwag ko raw siya ikumpara sa mga naunang lalaki sa buhay ko. Ano po ang gagawin ko, Dr. Love?

Maraming salamat at hangad ko ang pa­tuloy na paglaganap ng inyong column.

Gumagalang,

Benilda

Dear Benilda,

Hindi naman nakapagtataka na magkaroon ka ng pangamba sakaling magmahal kang muli. Pero hindi rin naman makakabuti kung ikukulong mo ang sarili sa bangungot ng nakaraan.

Natitiyak kong may paraan para masiguro mo sa iyong sarili na tapat ang bawat salita ni Allan. Huwag mong ipagkait sa sarili mo ang pagkakataon na maging maligaya. Maiksi lang ang buhay, kaya make the most out of it.

Dr. Love

Show comments