Dear Dr. Love,
Hi. Kumusta po kayo. For your information, hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko nababasa sa PSNGAYON ang inyong inspiring column.
Tawagin n’yo na lang akong Alma, isa akong kasambahay.
Gaya ng ibang sumusulat sa inyo, umaasa akong matutulungan n’yo ako sa aking problema sa pag-ibig.
Hiwalay ako sa asawa at may isang anak na nasa pangangalaga ng aking ina.
Walang pormal na annulment ang aming paghihiwalay ni Tonio at ngayo’y may manliligaw ako na gustung-gusto ko.
Sinagot ko na siya pero ayaw kong makipag- live-in.
Pag-day-off ko ay dun lang kami nagkikita. Ano ang dapat kong gawin?
Alma
Dear Alma,
Malaking gastos ang pagpapa-annul pero iyan ang tamang gawin kung gusto mong maging legal ang muli mong pag-aasawa.
Pero sa kalagayan mo, paano mo maa-afford ang gastusin?
Maaari kayong magsama ng boyfriend mo nang ‘di kasal pero sa batas ng tao at ng Dios, labag iyan at puwede kang kasuhan ng asawa mo dahil asawa ka pa rin niya.
Inuulit ko, magastos man ang annulment, wala kang magagawa kundi isulong ito kung ibig mong mawalang bisa ang dati mong kasal.
Dr. Love