Teenage pregnancy

Dear Dr. Love,

First of all, I hope you are in fine condition on receiving my letter. Pasensya ka na sa iksi ng sulat ko. Hindi ako makapag-isip sa laki ng problema ko. I have a very great problem. Just call me Liz, 15 years old.

Buntis ako Dr. Love. May boyfriend ako na 15 years old din at pareho kaming estudyante. Pareho kaming natatakot magsalita sa aming magulang dahil tiyak na magagalit sila.

Ngayon ay hindi pa halata pero paano after a few more weeks?

Pagpayuhan mo naman ako.

Liz

Dear Liz,

Wala ibang solusyon Liz kundi ang magtapat sa iyong mga magulang. Walang ibang makatutulong sa iyo kundi sila lang. Magagalit kaya sila? Oo naman. Kahit ako ang tatay mo, magagalit ako dahil napakabata mo pa at nag-aaral pa para magka­ganyan.

Pero hindi ka naman nila papatayin. Tungkulin ng magulang ang tumulong sa anak na may problema. Nakakabahala man sa buong mundo number one ang Pilipinas sa bilang ng teenage pregnancy. Iyan ay bunga ng kapusukan ng mga kabataan ngayon. Palibhasa, sari-saring kabulastugan ang napapanood sa telebisyon na kanilang ginagaya.Sana magsilbing leksyon sa iyo ang nangyari.

Dr. Love

 

Show comments