Gay ang boyfriend
Dearest Dr. Love,
Bago ang lahat, I wish you a pleasant day. Two years na akong masugid na nagbabasa ng column mo. Tawagin mo na lang akong Gina, 22-anyos.
Problema ko po ang aking boyfriend. Natuklasan ko kasi na isa siyang silahis at may kinalolokohang lalaki.
Nung nanliligaw pa siya, hindi ko nahalatang may puso pala siyang babae at dahil guwapo, sinagot ko siya.
Noon pa ma’y may nagsasabi sa akin na isang “closet queen” ang boyfriend ko pero ayaw kong maniwala.
Hindi sinasadyang namamasyal kami ng mga friends ko sa isang mall nang makita ko sila ng kanyang boyfriend na naglalakad at magkahawak kamay. Ayaw ko sanang bigyan ng kulay ito pero talagang hindi gawa ng tunay na lalaki ang ganito kahit sa matalik niyang kaibigan.
Mahal ko siya pero ayaw kong magkaroon ng asawang bakla at baka mamroblema ako balang araw at maging kaagaw ko pa sa kulurete at lipsticks. Dapat na ba akong makipag-break?
Gina
Dear Gina,
Oo, dapat kang makipag-break sa kanya. Problema talaga iyan kung hindi mawawala ang kanyang pagiging silahis. Baka dumating ang panahon na ang karibal mo sa kanya ay lalaki rin.
Pero bago mo gawin iyan ay kausapin mo muna siya at kumpirmahin kung totoo ang hinala mo sa kanya. Baka naman ganyan lang siya makipagkaibigan. May mga lalaking mag-best friend na naghahawakan ng kamay.
Dr. Love
- Latest
- Trending