Nakikipag- balikan
Dear Dr. Love,
Greetings to my favorite love counselor. Medyo naghe-hessitate pa akong sumulat sa iyo pero kailangan ko na talaga ng precious advice mo.
Call me Ms. Sweet. Hiwalay ako sa asawa dahil iresponsable siya. Hindi nagtatrabaho at laging barkada ang inaatupag. Under process ang aming annulment.
Nagpapasalamat nga ako at wala kaming anak. Ang unang baby na ipinagbuntis ko ay patay nang isilang.
Three years kaming nagsama ng asawa ko at sa pangalawang taon ay dun na lumabas ang natural niya. Ayaw magtrabaho at lulong sa barkada. Puro gimmick ang ginagawa.
Ganoon din naman ako nung dalaga. Pero alam ko ang responsibilidad ng may asawa kaya nagbago ako nang kami’y ikinasal. Siya ay hindi.
Ngayo’y gusto niyang magkabalikan kami. Ayaw niyang lumagda sa annulment papers at pinayuhan kami ng judge na may hawak ng kaso na mag-usap ng mabuti.
Nangako siyang magbabago na. Will I give him another chance?
Sweet
Dear Sweet,
Sabi nga “to err is human, to forgive is divine.” Bigyan mo siya ng isang pagkakataon at mag-usap kayong mabuti.
Lahat ng tao ay nagkakasala at lahat naman ay nagbabago matapos magsisi.
Kung ang Diyos ay nakapagpapatawad tayo pa kayang tao lang, sabi nga ng matandang kasa bihan.
Dr. Love
- Latest
- Trending