^

Dr. Love

Iisa ang type na babae

-

Dear Dr. Love,

Mayroong kasabihan na sa pag-ibig, pantay-pantay ang lahat. Dr. Love kaugnay po dito ang gusto kong ihingi ng payo sa inyo. Iisa lamang po kasi ang type naming babae ng aking kuya.

Limang taon ang tanda ni kuya sa akin, kasing edad ko po si Corina na kaklase ko pa. Unang inilihim ni kuya ang panliligaw niya sa dinidiskartehan ko nang kaklase. Pero nang magkabistuhan na, ang palusot niya ay hindi niya alam na kursunada ko rin ang babaeng gusto niyang pakasalan.

Sa pakiwari ko po ay sasagutin na sana ako ni Corina kung hindi sana pumasok sa eksena ang kuya ko. Ang masakit pa ay siniraan niya ako at sinabing may childhood sweatheart ako na nasa abroad. Aminado po ako na may girlfriend akong nag-abroad, pero matagal na po kaming walang komunikasyon.

Sinabi ni kuya na ipaubaya ko na sa kanya si Corina dahil hindi ko naman daw siya tototohanin. Nirerespeto ko po ang pagkamatanda ng aking kapatid pero mahirap naman po na mang-agaw siya ng dinidiskartehan ko nang babae.

Hindi na po kami nagkikibuan ngayon ni kuya dahil kay Corina. Payuhan mo po ako kung dapat ko na talagang layuan si Corina at ipaubaya na lang sa kuya ko.

Thank you very much po at more power.

Roger del Mar

Dear Roger,

Sang-ayon ako na pantay-pantay ang lahat pagdating sa pag-ibig. Kaya sa aking opinyon, hindi mo dapat i-give up ang panliligaw kay Corina kung talagang mahal mo siya.

Bakit hindi n’yo na lang ituring hamon at may the best man win para sa inyong magkapatid. Dahil sa huli, wala naman sa inyong dalawa ang desisyon kung sino ang magiging nobyo ni Corina. Nasa kamay ni Corina ang pagpapasya.

Hindi tamang maging dahilan ang babae nang hindi ninyo pagkikibuan na magkapatid, bilang nakababata…ikaw na ang magpakumbaba at mag-approach sa iyong kuya. Wala akong nakikitang masama sa intensiyon ninyong dalawa para kay Corina, sana lang huwag ninyong hayaang paghiwalayin kayo bilang magkapatid ng kahit anong bagay, lalo ang tungkol sa babae.   

DR. LOVE

AKO

AMINADO

BAKIT

CORINA

DEAR ROGER

DR. LOVE

KUYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with