Maraming hadlang
Dear Dr. Love
I’m Jelai. Malaki po ang problem ko pagdating sa love. Meron po kasi akong mahal, mahal din niya ako.
Pero madaming hadlang, katulad ng tito ko. Tutol po siya sa amin, umabot pa nga po sa time na minura niya ‘yung guy sa harap mismo ng bahay namin.
Dahil po sa paulit-ulit na pagsita ng tito ko sa guy na mahal ko, napilitan po akong umiwas para na rin po sa ikakaayos namin ni tito.
After ng isang linggo, nag-try po akong kausapin ‘yung guy pero iniiwasan po ako. Kaya nakiusap na lang po ako sa best friend ko na sabihin sa guy na sorry.
Akala ko po ok na kami, pero nabigla po ako sa sagot nung guy. Ayaw na raw po niya kasi baka magkagulo pa. Sobrang nasaktan po ako, I decided to forget him but I can’t.
And ngayon tina-try niya po akong kausapin, pero dedma lang po ako. Mahal ko pa rin po sya, nadistansya lang po ako. What should I do, Dr. Love? Help me naman po please.
Jelai
Dear Jelai,
Hindi mo nasabi ang edad mo. Baka naman over-protective ang pamilya mo dahil sobrang bata ka pa?
Ngunit kung nasa edad ka na, kahit sino pa sa pamilya mo ay walang puwedeng tumutol sa desisyon mo. Kahit magulang ay puwede lang magbigay ng payo pero hindi maaaring tumutol sa personal na desisyon ng anak.
Isa pa, bakit tila malakas ang impluwensya sa iyo ng iyong tito? Dahil lang sa kanya ay dinedma mo na ang boyfriend mo kaya tuloy nagtampo siya.
Kung mahal mo ang boyfriend mo, bakit patuloy mo siyang dinededma? Nasa sa iyo na iyan kung gusto mong magkasundo kayo.
Dr. Love
- Latest
- Trending