^

Dr. Love

Praktikal na ina

-

Dear Dr. Love,

Produkto po ako ng mahirap na pamilya. At masasabi kong naging maswerte ako dahail nagbunga ang lahat ng aking pagsisikap sa buhay. Kahit hikahos ay nakapahgpatuloy ako ng pag-aaral sa high school dahil sa scholarship grant para sa valedictorian.

Pagdating ko naman sa kolehiya ang nakilala kong ayaman na si Edgar ang naging daan para matapos ko anag kurso na ito kahit kapos sa pinansiyal. Masasabi kong naging give-and-take lang naman po ang nangyari. Sinagot niya ang lahat ng finances ko at naging taga-gawa niya naman ako ng mga assignments at kopyahan niya tuwing may exam. Ang pagiging magkaibigan po naming ay nauwi sa relasyon at nang lumaon ay nagbunga.

Nang malaman ito ng kilalang matapobre niyang pamilya ay naglaho na parang bula si Edgar. Dinala raw sa Canada at wala na akong balita. Nang malapit nang lumabas ang bata ay sumulpot ang ina ni Edgar at sinagot lahat ng gastos. Nagpraktikal po uli ako kaya pumayag ako.

Sinagot din nila ang akong pagbabalik sa kolehiyo hanggang sa makatapos ako ng CPA, pumasa sa board at napasok ako sa isang ahensiya ng gobyerno bago nalipat sa isang malaking kompanyang pribado. The rest is history. Napalaki ko ang aking anak at ako ay nakapangasawa ng lalaking tunay akong minahal. Itinuring niyang anak ang anak ko sa pagkadalaga. Ngayon siya ay isa nang computer engineer. Ang iba kong mga kapatid, natulungan kong mapatapos at naiahon ko sa hirap ang mga magulang .

  Mali ba o tama ang aking naging desisyon? Wala akong pinagsisihan sa aking ginawa. Si Edgar wala akong balita sa kanya at sumunod na sa rin sa abroad ang kanyang mga magulang.

Salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito.

Gumagalang,

 Adela

Dear Adela,

Wala akong nakikitang mali sa iyong ginawa. Dahil wala ka namang inargabyadong tao sa iyong mga nakarating sa buhay. Kung tutuusin ay mas higit pa dapat ang iyong matamo para sa naging bunga ng relasyon ninyo ni Edgar pero naakontento ka lang sa lahat ng bagay.

Hinahangaan ko ang katatagan mo bilang isang single parents at hangad ng pitak na ito ang tuluy-tuloy na kaligayahan para sa iyong pamilya.

Dr. Love

ADELA

AKO

AKONG

DAHIL

DEAR ADELA

DR. LOVE

NANG

SI EDGAR

SINAGOT

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with