Mahilig pumapel

Dear Dr. Love,

Epal ang tawag sa boyfriend ko ng aking Kuya Greg at kabalyero naman siya kung ta­gurian ng Daddy ko. Ito po ang nais kong isangguni sa inyo, Dr. Love.

Mahal ko po si Dante pero malimit napipika ako kung napagkakamalan siya ng aking mga kaibigan at pa­milya na masyadong “know it all” at nagpapa-impress.

Alam ko naman na hindi nga magandang sobra na magpakitang gilas ang isang tao lalo na kung bago lang siya sa isang lugar at hindi naman siya masyadong kilala pa ng mga taong dinadatnan niya sa isang party o kaya ay sa isang pagkikita-kita ng pamilya.

Sinasabihan ko naman siya ng mahinahon na huwag siyang masyadong magpakitang gilas sa umpukan para hindi mailang ang mga kasama namin.

Pero ang sabi ni Dante, likas lamang siyang mapagkaibigan at gusto raw niyang ma­ging lively o buhay ang pagtitipon.

Ang ganito kayang ugali ay puwede pang mabago Dr. Love? Isa ba itong malaking kapin­tasan sa isang lalaki para ang isang tulad ko na napagusto sa kanya sa kabila ng naiiba niyang ugaling ito ay makaisip na maghanap ng iba para hindi na ako magkaproblema na ipakisama siya sa parents ko?

Maraming salamat po sa pagbibigay pansin ninyo sa aking problemang ito at sana, hindi kayo manghinawang magbigay payo sa marami ninyong tagahanga.

Gumagalang,

Benilda

Dear Benilda,

May malaki pang pagkakataong mabago ang pagiging mapapel ng nobyo mo kung may­roon siyang pagkakadalaang hindi ma­gan­dang insidente.

Seguro naman mayroong bukas na isipan ang boyfriend mo at kung nais niyang hindi mag­bago ang feeling mo sa kanya, babaguhin niya ang itinuturing mong hindi maganda niyang katangian.

Ikaw lang ang makapagpapasiya kung ang ganitong ugali ng boyfriend mo ay kaya mong mapagtiyagaan bilang magkarelasyon o hanggang sa kayo ay maging mag-asawa.

Dr. Love

Show comments