^

Dr. Love

GRO

-

Dear Dr. Love

Thank you for accommodating my letter. Tawagin mo na lang akong Rissa, 23 anyos at nagtatrabaho bilang GRO.

Oo, hindi ako nahihiyang aminin ito. Hindi naman lahat ng GRO ay masama at nagbebenta ng katawan. Talagang pag-estima lang ng mga customer ang ginagawa ko at hindi ako sumasamang lumabas kahit ano pa ang magandang offer sa akin. Siguro marami ang hindi maniniwala pero virgin pa ako.

Maswerte ako sa boyfriend ko dahil nauunawaan niya ako. Siya pa nga ang naghahatid at sumusundo sa akin. Isa siyang call center agent.

Kaso, hindi pabor ang pamilya niya sa akin. Masama kasi ang iniisip nila dahil sa uri ng trabaho ko.

Pero sabi ng boyfriend ko, handa raw niyang ipaglaban ang aming pag-iibigan. Worried­ lang ako dahil baka maging problema ang pagtutol ng mga magulang niya kapag kasal na kami.

Ano ang advice mo sa akin.

Rissa

Dear Rissa,

Palagay ko naman ay nasa wastong gulang na kayo pareho ng boyfriend mo. Bilib ako sa kanya kung totoong ipaglalaban niya ang inyong pag-ibig.

Actually, magalit man ang pamilya ng boy­friend mo sa relasyon ninyo, wala silang ma­gagawa para hadlangan kayo.

Kung nagmamahalan talaga kayo, go for it. Wala kang dapat ipangamba.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

BILIB

DEAR RISSA

DR. LOVE

ISA

KASO

MASAMA

MASWERTE

RISSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with