^

Dr. Love

Man-hater

-

Dearest Dr. Love,

Isang mainit na pagbati. Umaasa akong mabibigyang daan ang abang liham ko. Pakitago na lang po ako sa alias na Heart-broken, 18 years old.

May boyfriend ako na mahal na mahal ko. Siya ang isinumpa ‘kong magiging first and last. Kaso bigla na lang siyang nanlamig. Nun pala may iba na siya.

Masakit dahil 15-years old palang ako ay kami na.

Ngayon ay parang nagagalit ako sa lahat ng lalaki. Tingin ko ay pare-pareho silang mapaglaro sa pag-ibig.

Tatlong buwan na akong ganito at hindi makapag-concentrate pati sa pag-aaral ko. Sana matulungan mo ako.

Heart-broken

Dear Heart-Broken,

Sa edad mong 18 ay maaga pa para magalit ka sa buong mundo dahil lang sa isang masaklap na karanasan sa pag-ibig.

Bakit nagkakaganyan ka ba? Naisanla mo na ba ng buong-buo ang sarili mo? Forget the past at harapin ang kasalukuyan.

Hindi lang iisa ang lalaki at marami diyan na darating sa buhay mo na puwede mong pagpilian. Next time, gamitin mo ang utak. Huwag puro dikta ng puso ang masusunod kundi ang tamang desisyon ng pag-iisip.

Dr. Love

BAKIT

DEAR HEART-BROKEN

DR. LOVE

HUWAG

ISANG

KASO

MASAKIT

NAISANLA

NGAYON

PAKITAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with