^

Dr. Love

Batang nabiyuda

-

Dear Dr. Love,

Greetings! Gusto kong malaman mo na isa ako sa libo-libong nagbabasa ng iyong popular na column.

Tawagin mo na lang akong Liz, 26 anyos na sa batang gulang ay isa ng biyuda.

Nalulong sa droga ang mister ko at biktima siya ng pamamaril may limang taon na ang nakalilipas. Isang taon lang kaming nagsama at wala kaming naging anak.

Ngayon ay may bago na ako boyfriend. Mabait at good looking. Three months pa lang kami. Bata siya ng three years sa akin.

Mahal ko siya pero nabalitaan kong gu­magamit siya ng shabu. Tinanong ko siya kung totoo at umamin siya.

Nangako siyang magbabago at titigil na. Pero sa pagkaalam ko, ang isang taong nalulong sa droga ay mahirap magbago. Dapat ko ba siyang hiwalayan na?

Liz

Dear Liz,

Bigyan mo siya ng tsansang magbago. Ganyan ang pagmamahal. Pero dapat tala­gang tapat siya sa pangakong magbabago.

Obserbahan mo siya at malalaman mo naman kung talagang magbabago siya.

Kung sa kabila ng pangako ay hindi siya magbabago, mas mabuting hiwalayan mo na lang siya.

Dr. Love

vuukle comment

BATA

BIGYAN

DAPAT

DEAR LIZ

DR. LOVE

GANYAN

ISANG

LIZ

MABAIT

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with