^

Dr. Love

Sino ang baog?

-

Dear Dr. Love,

Isa po akong ginang ng tahanan na walang dinadasal-dasal kundi pakinggan ng Diyos ang aking dalangin na sana kahit isa ay biya­yaan ang pagsasama namin ng aking mister.

Limang taon na po kaming kasal ni Del. Nagpasuri na ako at napatunayang walang diperensiya. Nagpatingin na rin sa kanyang ka­patid na doctor ang asawa ko at sinabing wala itong depekto.

Gusto ko po na isang dalubhasa ang tumingin sa aking mister kaya niyaya ko siyang magpasuri sa isang OB Gynecologist pero ikinaiirita niya ang pangungulit ko tungkol dito. Dahil sa nagiging reaksiyon niya, nakakaisip na ako na siya ang baog.

Nananabik na po kasi akong magkaanak, kaya nagbago ako ng istratehiya. Iminungkahi ko na mag-ampon na lang kami kung hindi magkakaanak. Pero tumanggi po siya. Ayaw daw niyang magkaroon ng pagsisisi sa dakong huli dahil marami siyang kakilala na hindi naging maganda ang karanasan sa pag-aampon.

Tulungan mo po ako, Dr. Love. Ano po ang maipapayo ninyo sa akin? Ang isyu po tungkol sa pag-aampon ay nakakabiyak na sa maganda naming samahan na mag-asawa.

Ang sabi po niya, kahit na dalawa lang kami at hindi palaring magkaanak maituturing pa rin kaming pamilya. Naguguluhan na po ako sa kanya. Lumalabas na siya at hindi ako ang may diperensiya. Tama po ba ang sapantaha ko?

Maraming salamat sa pagbibigay pansin ninyo sa liham kong ito at hangad ko ang patuloy­ ninyong tagumpay.

Gumagalang,

Dessa

Dear Dessa,

Masyado pang maaga para mawalan kayo ng pag-asang magkaanak. May ilang kaso nga halos sampung taon bago nagkaanak. Huwag mong bigyan ng puwang ang pagsisisihan sa inyong mag-asawa sa hindi n’yo pa pagkakaroon ng anak.

Pray harder, walang imposible sa Diyos. Ipanalangin mo rin ang iyong asawa, na maunawaan niya ang intensiyon mo sa pagpapasuri sa kanya at ang tungkol sa pag-aampon. Pero sa kabila ng lahat, sikapin mo na lalong mapag-alab ang pagmamahalan ninyong mag-asawa.

Kasama mo ako sa pananalangin para ganap na maging buo ang inyong pamilya. God bless you.

Dr. Love

AKO

ANO

AYAW

DAHIL

DEAR DESSA

DIYOS

DR. LOVE

GUMAGALANG

HUWAG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with