Iresponsableng asawa

Dear Dr. Love,

Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Tawagin mo na lang ako sa pangalang Kristine. Nais ko po sanang humingi ng payo sa inyo.

Ako po ay may asawang Koreano, 30 years old, walang trabaho at may 4 na anak. Simula nung 2008 ay wala pa sa kalahati ang pinapadala niyang pera sa amin.

Ewan ko nga kung bakit basta kapag tinatawagan ko siya ay lagi raw busy. Kahit nga ang mga anak niya ay hindi na niya kinakausap. Dr. Love, hindi ko na po alam kung ano ang gagawin ko, sabi ng mga kamag-anak ko ay magsumbong raw ako sa immigration pero natatakot po ako na baka mas lalo siyang hindi magpadala.

Dr. Love, nais ko po sanang humingi ng totoong kaibigan na tutulungan ako sa paghihirap kong ito. Salamat po at God bless sa inyo!

Kristine

kristine_aguinaldo40@yahoo.com

 

Dear Kristine,

Legal problem iyan. Nasaan ba ang Koreanong iyan, nasa ibang bansa o nasa Pilipinas? Hindi mo kasi nasabi. Kung legal kayong kasal. May karapatan kang humanap ng legal remedy dahil kapakanan na ng mga anak ninyo ang nakataya.

Kung may malalapitan kang abogado, gawin mo sa lalong madaling panahon.

Dr. Love

Show comments