Delete mo na siya sa iyong puso
Dear Dr. Love,
Hi Sir. Kumusta po kayo? I want to consult with you my love problem. By the way, you may call me Lizel, 18 years old.
Sa aking facebook account, naging friend ko si Art. Magaganda ang mga postings niya at labis akong humanga sa kanya at palagi kong nila-like ang mga post niya.
Madalas akong makipag-chat sa kanya at nagkahulugan kami ng loob. Nakuha namin ang aming mga cell number at madalas kaming mag-usap.
Actually, para ko siyang tatay. Noong una ay dad ang tawag ko sa kanya pero naramdaman kong I am falling for him.
The problem is 59 years old na siya at may asawa’t anak. Sabi nga niya, parang anak lang ang turing niya sa akin.
Hindi ko yata ito ma-take Dr. Love. Sabi niya mabuti pang i-unfriend na lang namin ang isa’t isa dahil natatakot din siyang mahulog sa tukso.
Natuklasan ko na lang na nawala na siya sa list of friends ko. Ini-invite ko siya muli nang ilang ulit pero ayaw na niyang mag-respond. Dapat ko bang ituloy ang kahibangan ko?
Lizel
Dear Lizel,
Alam mo palang kahibangan bakit mo itutuloy? Paghanga lang ang nararamdaman mo. Tama ang ginawa ni Art na inalis ka niya sa listahan ng mga kaibigan. Hanga ako sa mga lalaking tulad niya. Matatag ang character.
Siyempre, kapag lumalapit ang tukso, ang pinakamainam na gawin ay kusang lumayo. Huwag mo na siyang isipin at i-delete mo na rin siya sa pagtatangi ng iyong puso.
Dr. Love
- Latest
- Trending