^

Dr. Love

Iba ang relihiyon

-

Dear Dr. Love,

Greetings in the name of the Lord Jesus Christ. Tawagin mo na lamang akong Risa, 23 anyos at dalaga pa.

May dati akong boyfriend na kapareho ‘kong born again Christian. Pero habang nagtatagal, lumalabas ang ugali niyang hindi ko naiibigan.

May nakilala ako na isang practicing Ca­tholic. Mabait siya at nasa kanya ang katangiang hinahanap ko sa lalaki. Hindi kaguwa­puhan pero magalang sa magulang at responsableng anak.

Nararamdaman ko na umiibig ako sa kanya­. Ano po ang maipapayo ninyo sa akin?

Risa

Dear Risa,

Kung tulad ng sinabi mo, nasa kanya ang katangian ng lalaking hanap mo, isa lang ang posibleng problemang puwedeng sumulpot ‘pag dating ng araw.

Ito ay ang pagtatalo sa relihiyon. Saang simbahan bibinyagan ang mga anak ninyo? Saan kayo sisimba kapag araw ng Linggo.

Maaaring maliliit na bagay ito pero posibleng pagmulan ng iringan ng mag-asawa.

Kaya mag-usap kayong mabuti habang maaga at kung makaseseguro na hindi kayo magtatalo sa relihiyon, nasayo ang huling pag­papasya.

Dr. Love

ANO

DEAR RISA

DR. LOVE

KAYA

LINGGO

LORD JESUS CHRIST

MAAARING

MABAIT

RISA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with