^

Dr. Love

Childhood sweetheart

-

Dear Dr. Love,

Childhood sweetheart ang bansag sa amin ng mga kakilala at kamag-anak namin ni Norman sa aming barangay. Hindi naman kami talagang magkasintahan kundi best friend dahil ang turingan namin sa isa’t isa ay mahigit pa sa magkapatid. Soulmate ang sabi ni Norman, dahil komportable kami sa isa’t isa kaya tuloy nahihiyang manligaw sa akin ang ilang may kursunadang kababata rin namin.

Kung para kay Norman, soulmate kami para sa akin ibang pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang damdaming ito ay inalagaan ko mula pa noong teenager pa lang kami.

Ang hirap talaga ng isang babae. Gusto mo man ang isang lalaki, hindi mo naman maihayag ang nararamdaman mo para sa kanya dahil sa hiya at pagsasaalang-alang sa kanyang damdamin.

Dahil kapwa kami walang steady partner kundi ang isa’t isa, malimit kong sabihin na pasasaan ba’t darating din ang tiyempo na makikita ni Norman na kami ay talagang para sa isa’t isa.

Pero ang problema, ganap na naglaho ang pag-asang ito nang magbakasyon sa amin ang isa kong pinsan mula sa Maynila. Maganda si Diyosa, sing-ganda ng kanyang pangalan at napaka ismarte niya. Isa siyang masayahing dalaga, palangiti at ang sabi nga ni Norman,” walang dull moments” kung siya ang kasama.

Halatang halata ko na malaki ang kursunada ni Norman sa pinsan ko. Tinanong niya sa akin, kung may boyfriend si Diyosa dahil balak niyang ligawan. Sinabi ko na broken hearted siya kaya nagbakasyon sa amin. Sa mga sandaling ito naipamukha ko sa sarili ko na talagang kaibigan lang ang turin sa akin ng childhood sweetheart ko. Napakasakit pala, Dr. Love.

Nang magbalik ng Maynila si Diyosa, nakahandang magpalipat ng destino sa Maynila si Norman para mapalapit sa kanya. Hiningi rin niya ang tulong ko na i-build up siya sa pinsan ko.

Naka-move on lang ako nang sa wakas ay matanggap ko na hindi na mangyayari ang pangarap ko para sa amin ni Norman, lalo na nang gawin nila akong maid of honor sa kanilang kasal.

Sadyang hindi natuturuan ang puso dahil may sarili itong paningin kung sino ang dapat na mahalin.

Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy na tagumpay ng inyong napakagandang column.

Gumagalang,

Lonely Girl

Dear Lonely Girl,

Hinahangaan ko ang positive attitude mo. Dahil sa panahon ngayon, bihira na lang ang mga dalaga na magagawang supilin ang malaking pagkagusto sa opposite sex bilang delicadeza o kaya’y sa ngalan ng tunay na pagkakaibigan.

Marahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaaring diktahan ang puso kung saan lilingon. Pero huwag mo itong ikabahala. Dahil nakatitiyak ako na ang gaya mo na tapat sa mabuting hangarin na maging maligaya ang isang tinatangi ay may nakalaan na kaligayahan sa takdang pagkakataon.

Huwag ka sanang mainip at magpatuloy ka na maging masaya sa buhay para manatili ang magandang araw mo. God bless you!

DR. LOVE

DAHIL

DEAR LONELY GIRL

DIYOSA

DR. LOVE

ISA

LONELY GIR

MAYNILA

NORMAN

PARA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with