Teen-ager in love sa married man

Dear Dr. Love,

Just call me Petite, 17-years old at kumukuha ng computer secretarial.

Tama ba na ma-in love ako sa professor ko na 25 anyos? Kaso nalaman ko na may asawa na pala siya.

But I cannot help my feelings. Alam ito ng buong class at madalas kaming tuksuhin. Napapangiti lang ang prof ko. Ibig sabihin kaya nito ay may pagtingin din siya sa akin?

Must I continue with my feelings for the guy? Tulungan mo naman po ako.

Petite

 

Dear Petite,

Infatuation lang iyan. In other words, puppy love na mabubura rin pagdating ng araw.

But the more you openly show that your head over heels sa professor mo, baka nga patulan ka niya and that will be dangerous.

Siguro hindi ka papalag dahil may gusto ka rin sa kanya pero mali. Maling-mali.

May asawa na siya at maninira ka ng isang pamilya.

Forget the guy at humanap ka ng walang sabit, okey?

Dr. Love

Show comments