^

Dr. Love

Inabandona ni mister

-

Dear Dr. Love,

Wala sa aking hinagap na darating ang panahong makikipaghiwalay ako sa aking mister dahil hindi ko na kaya ang kanyang pagiging sugapa sa sugal.

Dahil sa kanyang pagiging sugapa sa sugal, inabandona niya kaming mag-iina, pumuslit patu­ngong US para makitira sa kanyang ina at takasan ang kanyang mga utang.

Mahal ko ang aking asawa. Kung noong binata pa siya, maraming babaeng naghahabol sa kanya hindi ko pinansin ang intriga at hindi ako nagpadala sa selos.

Pero ang isyung pag-aabandona, pinabayaan niya kami ng sampung taon na wala man lang kahit isang kusing na sustento at iniwan niya sa akin ang problema ng mga naghahabol sa kanyang utang sa casino ay isang bagay na hindi ko na ma-take.

Noong una ay tumatawag siya para ma­ngu­musta sa akin at sa dalawa naming anak. Pero pagkaraan ng sampung taong pagkakawalay sa amin para anya magpalamig, bigla-bigla na lang uuwi siya sa bansa para balikan kami ng dalawa naming anak.

Malaking bahagi ng kanyang iniwanang pagkakautang ang pinagtiyagaan kong bayaran sa aking kita  lalo na ang pagkakasangla sa aming bahay.

Ayaw ko nang makisama sa kanya. Hindi dahil mayroong third party sa aming relasyon. Pati ang dalawang bata na dating sabik sa kanyang pag-uwi parang takot na kunin sila sa aking poder ng aking asawa.

Pero ipinangako ko sa kanilang hinding-hindi sila makukuha sa akin ng kanilang ama.

Pinaghandaan ko na ang legal na isyung may kinalaman sa paghingi ko ng kalayaan sa mister ko sa pamamagitan ng legal separation kundi man marriage annulment.

Tama ba ang gagawin ko? Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Merly

Dear Merly,

Lagi kong sinasabi na hindi ako sang-ayon sa paghihiwalay ng isang mag-asawa. Maaa­ring punung-puno pa ng pagngingitngit ang iyong kalooban dahil sa pagka-iresponsableng ipinakita ng iyong mister sa mahabang panahon.

Subukan mo na huwag magpokus dito, kundi sa magandang pagbabago niya. Dahil ang mahalaga sa kahit ano mang pagkakasala ay ang pagkilala sa pagkakamali, buong sinseredad na paghingi ng tawad at ang pagtutuwid sa naging pagkakamali.

Hangga’t maaari at kung maiiwasan, sikapin mo na hindi maging option ang paghihiwalay para ma-preserve ang inyong pamilya. Dahil karamihan sa broken family, hindi naman kayong mag-asawa ang talo kundi ang inyong mga anak.

Ito muna ang ikonsidera mo. Hangad ng pitak na ito ang muling pagkakabuklod-buklod ng inyong pamilya nang may pagmamahalan at pagmamalasakit sa bawat isa. God bless you!      

DR. LOVE

vuukle comment

AKING

AYAW

DAHIL

DEAR MERLY

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGAD

KANYANG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with