^

Dr. Love

Hindi maluho ang pagmamahal

-

Dear Dr. Love,

Kasalukuyan po akong abala sa aking rehabilitasyon dito sa loob ng pambansang piitan.  Nakulong po ako dahil sa pagtutulak ng bawal na gamot.

Nasa katiyakan na po ako sa aking sarili na magbabagong-buhay, makakuha lamang ng sapat na pagpapanimula para sa paglagay sa tahimik namin ng aking girlfriend. Sa laki po ng pagmamahal ko sa girlfriend ko, handa akong gawin ang lahat para maibigay ang ano mang hilingin niya.

Ang masaklap po, hindi pala maaasahan ang pagmamahal niya sa akin. Dahil nang mahuli na ako, pinandirihan na ako at nilayuan ng babaeng mahal ko. Pero wala akong magawa para aluin siya at himuking huwag akong talikuran dahil wala nga naman siyang magandang kinabukasan sa akin. Ipinakasal na siya ng mga magulang sa isa niyang kababata na kauri niya ang buhay.

May kaya po ang pamilya ng girlfriend ko at dahil wala akong trabaho siya ang madalas na taya kapag kami ay lumalabas. At sa kagustuhan ko na ako naman, lihim akong pumasok sa grupong sangkot sa illegal drugs activities.

Saglit lang ang pagpapasasa ko sa kitang mula sa maruming paraan. Dumating ang puntong nais ko nang kumalas sa grupo pero hindi na iyon natuloy dahil nahuli na kaming lahat.

Sa ngayon po ay nagsisikap akong makabangon uli. Nais kong sa paglaya ko, mabawi ko ang tiwala ng mga taong pinagkakautangan ko ng buhay. Pinagsisisihan ko na ang pagbubulid ko sa masamang bisyo ng maraming kabataang pinagbebentahan ko ng bawal na gamot.

Nag-aaral din po ako dito sa loob para kung sakaling makalaya na ako, hindi na ako babalik sa dating gawi. Mahirap talaga ang walang inabot na mataas na edukasyon. Gusto mo mang umunlad sa mabuting paraan, wala akong kakayahang mamasukan sa mga nanga­ngailangan ng empleyado na may natapos na kurso.

Ang pangako ko sa sarili, makalaya lang ako hinding-hindi na ako babalik sa dating trabaho. At higit sa lahat, hindi na ako kukuha ng siyota na hindi ko kalebel ang antas ng buhay.

Maraming salamat po at sana may mapulot na aral ang mga kabataan sa karanasan kong ito.

Jonathan Barredo

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Jonathan,

May pinag-aralan man o wala ang isang tao, puwedeng tumahak sa malinis na landas ng buhay kung marunong magtiyaga, nagsisikap na magtrabaho sa malinis na paraan at hindi nagpapadala sa tukso para makapagkamal ng salapi sa mabilis na paraan.

Maaaring ang pagkakasakote sa iyo ay isang nakatadhanang paraan para matutuhan mo ang magandang aral ng buhay. Hindi maganda ang panlalamang sa kapwa.

Natutuwa ako na pinagsisisihan mo na ang kamalian sa buhay at ang pagsisikap na ginagawa mo para maituwid ito.

Nawa’y makatagpo ka ng babaeng magmamahal sa iyo hindi dahil sa mga luhong maibibigay mo kundi dahil sa iyong kabutihan at magagandang katangian.

DR. LOVE

AKO

AKONG

BUHAY

CAMP SAMPAGUITA

DAHIL

DEAR JONATHAN

DR. LOVE

JONATHAN BARREDO

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with