^

Dr. Love

Ipinahiram na boyfriend

-

Dear Dr. Love,

Hindi po ako hihingi ng payo sa pagsulat ko sa inyo, kundi gusto ko po ibahagi ang aral na natu­tunan ko sa aking naunsiyaming pag-ibig.

Hindi ko po kasi akalain na ang hangad kong kabutihan para sa aking malapit na kaibigan na si Gina ay magiging daan para siya mismo ang ma­ging­ ahas sa relasyon namin ng noon ay boyfriend ko na si Elmer.

Broken-hearted si Gina noon dahil kakahiwalay lang nila ng kanyang nobyong boss. At dahil ka­ila­ngan niya ng escort sa event ng kanilang opisina para sa tatanggaping award at para maipamukha na rin sa kanyang ex na hindi lang ito ang lalaki sa mundo­, gayundin na hindi siya kaawaan ng kanyang mga officemates, tinulungan ko siya. Pinakiusapan ko ang boyfriend ko na escort-an siya at maging daan para mapagselos ang boss niya. Success ito.

Ang masakit na parte, nalaman ko na mag-on na sila. Si Gina ang nagtapat dahil buntis na siya. Pareho silang humihingi ng tawad sa akin at nakikiusap na huwag kong kasuklaman. Hindi ko akalain na magagawa nilang magtaksil sa kabila ng lahat. Hindi ko na tinanggap ang mga paliwanag nila. Dahil kung ang pagkakaibigan namin ni Gina at relasyon namin ni Elmer ay bi­nigyan nila ng respeto, hindi mangyayari ang lahat.

Sa isang banda, may kasalanan din naman ako dahil ako pa ang nagsilbing tulay sa kanilang  ka­tak­­silan. Pero nag­pa­pasalamat na rin ako sa nangyari dahil ganap kong nakilala ang boyfriend ko, maging ang tunay na pag­katao ng malapit kong kaibigan. Kapag pala pang­sariling interest walang kaibigan at walang kasintahan.

Sana maging leksiyon ito sa ibang kababaihan. Huwag ipagkatiwala ang boyfriend kahit kanino para hindi matukso.

Salamat po at itago mo na lang ako sa pa­nga­lang Lorena. Isa akong nurse ngayon na nakabase sa Toronto. Maligaya po ako sa aking napa­ngasawang Canadian.

Gumagalang,

Lorena

 

Dear Lorena,

Hindi madaling dalhin ang sakit sa karanasan mong ito sa pag-ibig, Lorena pero ikaw pa rin ang panalo sa kabila ng lahat. Dahil naging sapat ang pagkakataon para makilala mo ang tunay na pagkatao ng iyong itinuturin na kaibigan at nalaman mo kung hanggang saan lang ang sinasabing pagmamahal ng nobyo mo.

Mapapatunayan mo ito sa kasalukuyang estado­ ng buhay mo. Dahil ganap ang kaligayahan mo. God bless you more and your family!

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR LORENA

DR. LOVE

GINA

LORENA

PARA

SHY

SI GINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with