^

Dr. Love

Mayabang na bf

-

Dear Dr. Love,

Masaganang bagong taon sa iyo at sa iyong pamilya. Tawagin mo na lang akong Rosiel, isang ginang na 47 anyos.

Ang problema ko ay tungkol sa aking anak na babae na ako lang halos ang mag-isang nag­palaki dahil maliit pa lang siya ay namatay na ang aking asawa.

Mayroon siyang boyfriend na ayaw ko ang ugali dahil may kayabangan. Kesyo ma­yaman daw sila, isang negosyante ang tatay niya. Pero nalaman ko sa isang kaibigan na isang kara­niwang empleyado lang sa gobyerno ang tatay niya.

Pinagsabihan ko na ang anak ko na hiwalayan ang boyfriend niyang hambog pero nagte-tengang kawali at ayaw makinig sa pangaral.

Ano ang gagawin ko para mahiwalay ang anak ko sa ganitong lalaki?

Rosiel

Dear Rosiel,

Tayong mga magulang ay hindi uubrang sumaklaw­ sa damdamin ng ating mga anak. Puwe­deng pangaralan ang anak pero karapatan niya na sumunod o hindi lalo pa’t nasa wasto na siyang gulang.

Kaya kung ayaw mo talaga sa lalaking kasintahan ng iyong anak, manalangin ka na lang na magbago siya ng isip o may dumating na la­laking mas matino na iibigin niya.

Dr. Love

ANAK

ANO

DEAR ROSIEL

DR. LOVE

KAYA

KESYO

MASAGANANG

MAYROON

PERO

ROSIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with