^

Dr. Love

Trahedya de boda

-

Dearest Dr. Love,

A pleasant greetings and my best wishes for you and your family this Christmas and New Year.

Tawagin mo na lang po akong Irma, 24 anyos at single pa. Mapait ang aking karanasan. Two years ago, ikakasal na sana ako sa kasintahan ko pero hindi niya ako sinipot sa simbahan, bagay na nagdulot sa akin ng matinding kahihiyan.

Two years akong nagmukmok at hindi nag-entertain ng manliligaw. Isipin mo na lang ang matinding kahihiyan ng isang babaeng nakatrahe de boda nun pala’y isang “trahedya de boda” ang mangyayari. Naospital ako noon dahil hinimatay ako dulot ng malaking kahihiyan. Inatake rin sa puso ang mahal kong ama.

Nalaman ko na ang dahilan ng pag-atras niya ay ang pagbabalik sa kanya ng kanyang first love na mas mahal niya kaysa akin. Lalung dobleng sakit ito. Mantakin mo na all the while, inakala kong mahal niya ako nun pala’y ginawa lang akong panakip butas nang sumama sa ibang lalaki ang kanyang girlfriend.

Medyo sugatan pa ang puso ko pero alam kong dapat akong mag-move-on. Unfair na maging manhater ako for the rest of my life.

Ngayo’y may boyfriend ako. Pero hindi ko tiyak kung mahal ko siya o baka naghahanap lang ako ng masasandalan. Paano ko malalaman kung mahal ko ang lalaking ito?

Irma

Dear Irma,

Pang-nobela ang kasaysayan mo. Masakit talaga iyan dahil nabilad ka sa kahihiyan pati na ang iyong buong pamilya.

Pero tama ka. Hindi dapat tumigil ang mundo at kailangang mag-move-on ka na.

Kung mahal mo ang bagong boyfriend mo o hindi, tanging ikaw lang ang makakaalam niyan. Nasa hustong gulang ka na para malaman ang tama o mali.

Kasama mo ako sa dalangin na wala nang “trahedyang” magaganap sa buhay mo at matatagpuan mo na rin ang karapat-dapat na lalaki sa iyong puso.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

CHRISTMAS AND NEW YEAR

DEAR IRMA

DR. LOVE

INATAKE

IRMA

ISIPIN

KASAMA

LALUNG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with