^

Dr. Love

'Di magkakaanak

-

Dear Dr. Love,

Maligayang pagsapit ng kaarawan ng Pa­nginoon sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay.

Sa kaso ko, hindi ko alam kung matata­wag kong masaya ang aking Pasko dahil dala­­ wang buwan nang hindi ako inuuwian ng aking­ mister.

Tawagin mo na lang akong Lorna at tatlong taon ko nang ka-live-in si Delfin. Nanlamig siya sa akin dahil hindi ko siya mabigyan ng anak.

Nagpasuri naman ako sa doktor at wala akong diprensya. Pero ayaw naman niyang magpasuri. Ipinipilit niyang wala siyang diprensya.

Naging mainit ang ulo niya hanggang isang araw ay hindi na siya umuwi. Alam kong mahal naman niya ako dangan nga lang ay disappointed siya at hindi kami magkaanak.

Ano ang gagawin ko?

Lorna

Dear Lorna,

Pride ang umiiral sa asawa mo. Hindi niya matanggap sa sarili na siya’y may diprensya kaya takot siyang magpasuri sa doktor.

Pero ang sukatan ng tunay na pag-ibig ay hindi ang pagkakaroon ng anak. Kung nagmamahalan kayo sa isa’t isa, hindi problema kung pareho kayong baog o kung sino man sa inyo ang may depekto.

Nasabi mong live-in lang kayo. Bakit hindi kayo nagpakasal? Bilang Kristiyano, hindi ako pabor sa pagsasamang walang basbas ng Diyos.

Kung magkakabalikan kayo at kalooban ng Diyos, yayain mo siyang magpakasal at baka sa paraang iyan ay sumainyo ang pabor ng Diyos at basbasan kayo ng anak.

Walang imposible sa Diyos.

Dr. Love

ALAM

ANO

BAKIT

BILANG KRISTIYANO

DEAR LORNA

DIYOS

DR. LOVE

LORNA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with