^

Dr. Love

Patatawarin ko ba siya?

-

Dear Dr. Love,

Minsan na akong sumulat sa iyo ngunit hindi pinalad na malathala. Sana nama’y mapaunlakan mo ako ngayon. Isa rin ako sa mga may problema sa puso na nangangailangan ng iyong payo.

Ako si Isabel, taga-lalawigan ng Cauayan, Isabela. Thirty-five years old na ako at nag-iisang nagtataguyod sa isa kong anak sa pagkadalaga.

Ten years old na ngayon ang anak ko at nasusuklam ako sa kanyang ama. Pinaniwala niya akong binata siya kaya dahil sa matin­ding pag-ibig ay ibinigay ko ang lahat-lahat sa kanya. Taga-Maynila siya at nang mabuntis ako’y nagtapat siya sa akin na may asawa na siya. Halos madurog ang puso ko. Mula noo’y isinumpa ko siya at hindi na kami nagkita.

Kamakailan, nagulat ako sa kanyang pagbabalik. Namatay na raw ang misis niya at gustong panagutan ang nagawa niyang panloloko sa akin noon. Pero nakatanim ng malalim sa dibdib ko ang galit. Kung ikaw ang nasa katayuan ko, patatawarin mo ba siya?

Isabel

 

Dear Isabel,

Oo patatawarin ko siya kung talagang nag­­­sisisi at nais bumawi sa kanyang mala­king pagkukulang. Lahat tayo’y nagkakasala at mapapatawad lang tayo ng Diyos kung marunong tayong magpatawad.

Sa gulang mo na mahigit sa 30 taon, hindi pa huli ang lahat upang buuin ninyo ang inyong pamilyang nahadlangan ng kanyang pagiging hindi na malaya.

Ipakilala mo rin siya sa inyong anak dahil karapatan niya na makilala ang kanyang ama.

Dr. Love

AKO

CAUAYAN

DEAR ISABEL

DIYOS

DR. LOVE

IPAKILALA

ISA

ISABELA

KAMAKAILAN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with