^

Dr. Love

Kailan babalik ang tiwala?

-

Dear Dr. Love,

Nais ko pong sumangguni sa inyo kasalukuyan kong problema sa aking misis.

Unang-una, nais kong bigyang diin na hindi ko gustong manatiling magulo ang pagsasama namin ng aking asawa dahil may na dalawa kaming anak.

Nagsimula po ang gusot sa aming pagsasama nang bumalik ang pagkakahilig ko sa barkada at paghahanap namin ng aliw sa labas ng aming tahanan. Wala naman po akong intensiyon na iwanan ang aking mag-iina. Npaglilibang lang naman ako dahil marahil sa masyadong napaaga ang aking pag-aasawa at hindi ko masyadong natikman ang  buhay binata. Hindi naman ako nagpapabaya sa aking responsibilidad bilang pamilyadong tao, lalo na sa aspetong pinansiyal.

Noong una ay hindi ako pinapansin ng misis ko kung ginagabi ako ng uwi kasama ang dalawa kong kaibigan. Alam niyang nagpupunta kami sa mga bar, iinom ng kaunti at saka uuwi ng bahay. Pero parang may ESP siya at napaamin niya ako na mayroon akong kinalolokohang GRO sa isang  night club.

Humingi ako sa kanya ng apology at ang akala ko, hindi na niya ako sisitahin pa sa pagsama-sama ko sa aking mga kaibigan. Iyon na ang simula ng kanyang nagging at nakukulili na ang tainga ko sa paulit-ulit niyang paninita. Nauwi iyon sa paninikis  ko sa kanya. Hanggang binantaan na niya ako na uuwi na lang siya sa kanyang mga magulang. Gusto na niyang maghiwalay na kami. Ano po ba ang mabuti kong gawin. Hindi ko naman gustong mauwi sa paghihiwalay ang gusot naming dalawa.

Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy pang paglawak ng inyong mambabasa.

Michael

 

Dear Michael,

Hindi mababalik ang tiwala sa iyo ng asawa kung patuloy mo siyang titikisin. Yaman din lang na talaga namang nagkasala ka, nasa iyo ang pagpapakita na tunay ka na ngang nagbago. Walang tamang katuwiran para sa pambababae. Dahil winawasak nito ang isang pamilya. Hindi pera ang dapat mong gawing pang-suhol sa iyong asawa para tigilan ka niya ng paninita. Ayaw mong maghiwalay kayo pero sinasaktan mo ang kalooban niya at nagkakaroon tuloy siya ng kawalang seguridad sa sarili.

Pag-usapan ninyong mabuti ang problema ninyo. Liwanagin mong ang minsan mong pagkakamali ay hindi na mauulit dahil mahal mo ang iyong pamilya. At ipakita mo na talagang mahal mo siya at ang inyong mga anak.

Dr. Love

AKING

AKO

ALAM

ANO

AYAW

DAHIL

DEAR MICHAEL

DR. LOVE

HANGGANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with