^

Dr. Love

Hinaing ng anak ng ex-GRO

-

Dear Dr. Love,

Hi there! Hope you are in fine shape sa pagtanggap mo sa sulat ko. Tawagin mo na lamang akong Helga, 23 anyos at dalaga pa.

Ako’y isang Amerasian at hindi ko alam kung sino ang tatay ko. Basta ang sabi ng nanay ko ay isa siyang Amerikano na nakatalik niya nung siya’y isa pang gro.

Masaklap ang kapalaran naming mag-ina pero mahal ko ang nanay ko dahil sinikap niyang maitaguyod ang aking pag-aaral sa ganoong trabaho. Pero nakapagpundar siya ng negosyo at ‘yun na lang ang inaasikaso niya sa tulong ko.

Takot akong makipag-boyfriend dahil sa pa­ngit na background ko. Katunayan ay maraming nanliligaw sa akin at nagugustuhan ko ang isa sa kanila.

Natatakot lang akong sagutin siya dahil hindi niya alam ang background ko na ako’y anak sa labas ng isang dayuhan. Baka layuan niya ako at ako’y masaktan lang.

Ano ang gagawin ko?

Helga

Dear Helga,

Hindi mo kasalanan kung ganyan ang kapalaran ninyong mag-ina. Ang mahalaga’y nagbagong buhay na siya at may negosyo para maitaguyod ka sa marangal na paraan.

Ikuwento mo sa manliligaw mo ang tunay mong nakaraan at naniniwala akong hindi ka magiging masama sa paningin niya kung sad­yang mahal ka niya.

Ang lahat ng tao, ano man ang background at pinagmulan ay may karapatang mabuhay ng maligaya sa mundong ito. Pantay-pantay tayo sa paningin ng Diyos.

Dr. Love

vuukle comment

AMERASIAN

AMERIKANO

ANO

DEAR HELGA

DIYOS

DR. LOVE

HELGA

IKUWENTO

KATUNAYAN

MASAKLAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with