^

Dr. Love

Paghahanda sa bagong buhay

-

Dear Dr. Love,

Greetings in the name of our Lord! Sana po sapitin kayo ng liham kong ito na nasa mabuting kalagayan.

Isa po akong inmate dito sa pambansang bilangguan. Sa kalungkutan na nararanasan ko, hindi po ako nawawalan ng pag-asa na makakalaya balang araw. Pinagsisihan ko na ang aking nagawa at puspusang nagbalik-loob sa ating Panginoon para makapagbagong-buhay.

Nagdesisyon din akong magpatuloy ng libreng pag-aaral dito sa loob bilang bahagi ng aking paghahanda sakaling makalaya na. 

Dr. Love, gusto ko po sanang humingi ng tulong para magkaroon ng kaibigan na makakasulatan, baka sakaling makahanap po ako ng maaaring maging inspirasyon sa hangad kong pagbabago.   

Malapit na rin po ang paglaya ko at nais ko na bago dumating ang araw na iyon, mayroon na akong mga kakilala at kaibigan na maaaring masandalan lalo na sa panahon ng pagsubok. At kung loloobin po ng Diyos, gusto ko rin magkaroon ng sariling pamilya at magkaroon ng mapayapang buhay.

Sana po’y mailathala ninyo ang liham kong ito. Hangad ko po ang patuloy na paglawig ng inyong pitak. Mabuhay po kayo!

Cris Sanchez

Student Dorm I B

YRC Bldng. 4

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Cris,

Tunay na nanatili ang tsansang makapag­bago sa mga nilalang na naligaw ng landas. Ang kailangan lamang ay magkaroon ng pagkukusa. Naniniwala ang pitak na ito sa iyong magandang hangarin sa buhay. At ang mga katulad mo ay makakaasang hindi pababayaan ng Maykapal, basta patuloy kang manalig at magsikap para sa ikabubuti.

Hangad ng iyong lingkod ang katuparan sa iyong mga ninanais sa buhay. Lalo na sa sandaling makabalik ka na sa malayang lipunan at bumuo ng iyong sariling pamilya. Nawa’y hindi ka makalimot sa leksiyong itinuro sa iyo ng mga nagawang pagkakamali. At higit mong mapagtibay ang iyong relasyon sa Diyos kahit wala ka na sa loob ng bilangguan.

Maraming salamat sa pagtitiwalang ipinagkaloob mo sa amin. God bless you!

Dr. Love

BLDNG

CAMP SAMPAGUITA

CRIS SANCHEZ

DEAR CRIS

DIYOS

DR. LOVE

HANGAD

MUNTINLUPA CITY

SANA

STUDENT DORM I B

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with